Ivana Alawi, Ipinasilip ang disenyo ng dream house na kaniyang surpresa para sa kaniyang Nanay

Patuloy na pinapatunayan ng aktres at vlogger na si Ivana Ilawi ang kaniyang pagiging mapag-bigay sa kapwa, isang katangian na talaga namang kinagigiliwan ng kaniyang mga tagapag-subaybay.



Sa kaniya ngang Youtube channel na ngayon ay mayroon ng mahigit sa labing-isang milyong subscribers ay makikita ang mga videos kung saan iba’t ibang biyaya ang kaniyang ibinabahagi sa ating mga kababayan na nangangailangan.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Maliban dito ay kapansin-pansin rin ang pagiging mapagbigay ni Ivana sa kaniyang pamilya at mga kapatid lalo na sa kaniyang Mama Fatima.


Image source: Youtube/Ivana Alawi



Samantala, sa isang espesyal na vlog ay ibinahagi ni Ivana na iniipon niya ang lahat ng kita sa kaniyang Youtube channel dahil nais niyang ilaan ang lahat ng ito sa pagpapagawa ng dream house para sa kaniyang ina na si Mommy Fatima.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Nakabili na ito ng lupa kung saan itatayo ang bahay ay ayon sa kaniya, nag-request ang ina na mismong United International D├ęcor ang siyang mag-aayos ng disenyo ng kanilang bahay.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Base sa mga ipinakitang larawan sa social media, makikitang kulay puti at gold ang nais na tema ng ina sa loob ng bahay at mala-Italian ang dating nito. Mayroon itong tatlong palapag at napapalibutan ng salamin ang harapang bahagi kaya mas lalong naging moderno ang disenyo.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Halos lahat naman ng gamit sa loob ng bahay kagaya ng mesa, upuan maging ilaw ay nahahaluan ng kumikinang na gold kaya naman hindi maiwasan ng mga netizens na mamangha.



Image source: Youtube/Ivana Alawi


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Ang ilan nga sa kanila ay nagsasabing para itong palasyo. Hindi rin mawawala ang malawak na garahian ng sasakyan at sarili nilang hardin kung saan nakatanim ang ilang puno at mga halaman na mas lalo pang nagpapaganda sa kanilang kapaligiran. Sa likurang bahagi nito ay matatagpuan ang private pool para sa buong pamilya.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Nakakatuwa namang makita ang ina ni Ivana dahil halos araw-araw daw nitong binibisita ang lupa kung saan itatayo ang kaniyang dream house at sa katunayan ay naging malapit na sa mga kapitbahay at nabigyan nga ng pagkakataon na makatikim ng tanim nilang rambutan.


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Sobrang saya ni Mommy Fatima dahil mapapatayo na ang kaniyang matagal ng pinapangarap na dream house. Hindi lamang doon natatapos ang surpresa ni Ivana sapagkat mayroon din pala itong ibiniling lupa para sa kaniyang lalaking kapatid!


Image source: Youtube/Ivana Alawi


Image source: Youtube/Ivana Alawi

Halos maiyak ang kaniyang kapatid sa sobrang saya dahil hindi nito inaasahan na ang kanilang pinuntahan na lupa ay naibili na pala ni Ivana para sakaniya. Ito raw ang naisip na surpresa ng aktres para sa kaniyang future ay mayroon na itong titirahan kung sakali mag-asawa na si Hash.


Image source: Youtube/Ivana Alawi
Image source: Youtube/Ivana Alawi




Grabe sobrang swerte ng pamilya Alawi dahil na rin sa suporta ng kanilang mga tagasuporta na patuloy nanunuod sa kanilang mga youtube vlogs kung saan ito ang naging daan para maabot nila ang kanilang mga pangarap! Sana all!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *