Hinding-hindi makakalimutan ni Ivana Alawi ang mga napagdaanan niya noong nag-uumpisa pa lamang ito sa mundo ng show business at wala pang gaanong kakilala. Batid niyang mahirap makapasok sa makinang na mundong ito ngunit baon ang dedikasyon at talento ay walang sawa siya sa pag-audition na siya namang sinuportahan ng kaniyang ina.
Image source: Instagram/ivanaalawi
Nagbunga ang kaniyang sipag at nagkaroon ng pagkakataon na mapabilang sa ilang palabas sa telebisyon kagaya na lamang ng “Sino ang May Sala?: Mea Culpa”, na umere mula April hanggang August 2019. Dito ay nakasama niya ang mga artista na sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, at Kit Thompson.
Image source: Instagram/ivanaalawi
Sa kaniyang YouTube vlog na pinamagatang “Sagot O Lagot” ay naibahagi ni Ivana na memorable sa kaniya ang proyektong ito dahil dito niya naranasan na ipahiya sa harapan ng ibang artista kahit wala naman siyang kasalanan.
Image source: Instagram/ivanaalawi
Image source:Youtube/ivana alawi
Ayon sa aktres, nasa dressing room siya noon kasama ang iba pang artista at naghahanda sila para sa isang eksena. Ngunit dahil masikip na sa loob ay nagpaalam ang kaniyang assistant na lumabas saglit at nakahanap ng mauupuan sa katapat na dressing room.
Image source: Instagram/ivanaalawi
Maya-maya pa ay biglang may pumasok na batikang TV host sa kanilang kwarto at agad naman siyang ngumiti dahil idolo niya ito mula pagkabata. Ngunit laking gulat niya at agad napawi ang ngiti sa kaniyang labi dahil bigla siyang sinigawan at dinuro ng nabanggit na host.
Image source:Youtube/ivana alawi
Nagalit ang tv host dahil nasa dressing room niya raw ang assistant ni Ivana na kung saan sinabihan pang bastos ang aktres. Marami pang sinabi ang TV host ngunit hindi na ito halos narinig ni Ivana dahil nagtataka siya kung bakit ito nagagalit sa kaniya gayong wala naman siyang ginagawang masama.
Image source:Youtube/ivana alawi
Ayon naman sa kaniyang assistant ay nagpaalam ito at pinayagang maupo saglit sa labas ng katapat na dressing room kaya ikinagulat raw nilang lahat kung bakit galit na galit ang nasabing tv host.
Image source:Youtube/ivana alawi
Noon ay lubos na nasaktan ang aktres at agad tumawag sa kaniyang Ina na siya namang nagbigay sa kaniya ng magandang payo na huwag nalang palakihin pa ang nangyari at pabayaan nalang sapagkat wala naman itong ginagawang masama. Mula noon ay hindi ito nakalimutan ni Ivana at tumatak sa kaniyang isipan.
Image source: Instagram/ivana alawi
“As in sorry ako ng sorry, tapos sobrang na ano ako kasi sa harap ng ibang artista, sobrang ipinapahiya ako as in… Di naman ako mahirap kausap. Pwede mo naman akong tawagin. Sigawan mo ko yung tayong dalawa lang. Pero sa harap ng maraming tao na wala naman akong ginagawa? Yun lang ang hindi ko makalimutan. Isa sa mga experiences ko starting out in showbiz,” pagkwento ni Ivana.
Image source: Instagram/ivana alawi
Para sa aktres, ni minsan ay wala raw itong nakaaway sa industriya sapagkat siya ang madalas na inaaway kung saan nananatili siyang tahimik at hindi nakikipag-bangayan upang hindi lumaki ang mga issue.