Kamakailan lamang ay isang trending vlog ang ibinahagi ni Ivana Alawi sa kaniyang Youtube channel tungkol sa pag-didisguise niya bilang isang pulubi at pagbigay ng pera sa mga taong tumulong sakaniya.
Image source: Instagram/ivana alawi
Sa isang trending vlog ay makikitang umaarte si Ivana bilang isang pulubi upang malaman kung mayroon pa bang mga tao na busilak ang puso sa panahon ng krisis. Isang paraan niya rin ito para maibalik sa kanila ang biyaya na ibinahagi nila ng higit pa sa kanilang inaakala.
Image source: Youtube/ivana alawi
Ayon kay Ivana, kada tao na magbibigay sa kaniya ng pera ay tutumbasan niya ito ng isang-libung beses. Kaya naman, kung piso ang kaniyang natanggap ay isang libo ang ibabalik niya at 20,000 naman kung 20 pesos ang naibigay sa kaniya.
Image source: Youtube/ivana alawi
Image source: Instagram/ivanaacanada
Marami ang namangha sa kaniyang ginawa at halos hindi nga makapaniwala ang mga tao na nabigyan niya ng biyaya. Sa kanilang lahat ay mas naantig ang puso ni Ivana sa isang matandang lalaki na nagtitinda ng kakanin sa kalye.
Image source: Youtube/ivana alawi
Maliban kasi sa 20 pesos ay binigyan din siya nito ng panindang pagkain at nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagusap sila ni Tatay. Nag-alok pa nga ito na bibili siya ng tubig sa kalapit na tindahan ngunit tumanggi na si Ivana dahil sobrang naiiyak na siya sa pagtulong na ginawa ni Tatay.
Image source: Youtube/ivana alawi
Ramdam na ramdan niya ang kabutihan ni Tatay na nagpakilala bilang si Joselito Martinez, 58-taong gulang. Dahil dito ay hindi na niya napigilan ang sarili at napaiyak sa saya dahil nakatagpo siya ng tao na kagaya ni Mang Joselito.
Image source: Youtube/ivana alawi
Kaya naman maliban sa 20,000 ay namataan sa isang grocery store na pinag-shopping rin ni Ivana si Tatay vendor kung saan binilhan niya ito ng iba pang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Image source: Instagram/ivanaacanada
Hindi na ito ibinalita pa ni Ivana Alawi sa kaniyang Youtube channel kaya naman sobrang natuwa ang isang netizen na nakakita sakaniya na kasama si Tatay na nag grocery.
Image source: Instagram/ivanaacanada
Todo ang suporta na ibinahagi ni Ivana Alawi kay Tatay sapagkat sobrang natuwa ang aktres sa kabutihan na ipinakita ni Tatay sakaniya.
Image source: Instagram/ivanaacanada
Image source: Instagram/ivanaacanada
Sinong mag-aakala na ang isang Tatay na hirap sa buhay ay kaya pang magbigay kahit kakaunting piraso lamang ng kaniyang kita. Saludo kami sayo Tay!