Noong dekada 90′ ay madaming mga artista ang nagsulputan upang tayo ay pasayahin, paiyakin, patawanin at pahangain sa kanilang mga karakter na ginampanan sa pelikula.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Dito nagsimula ang karamihan ng mga artista na ating mga kilala at hinangaan magpahanggang sa ngayon ngunit ang iba naman ay hindi na nagpatuloy at mas pinili ang mag-iba ng landas.
Ang ibang mga dating artista ay pinili na lumisan sa showbusiness dahil sa mga kanya-kanya nilang mga rason. Ang iba sa kanila ay gusto lamang ng simpleng buhay. Ang iba naman ay gusto tapusin ang kanilang mga kursong kinukuha sa kolehiyo.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Gayunpaman lahat sila ay may mga magagandang buhay na sa ngayon kahit na hindi na sila aktibo sa larangan ng showbusiness. Isa sa mga halimbawa ay si Kristopher Peralta na nakilala sa iba’t-ibang pelikula noong 90’s.
Marami ang nabighani sa kagwapuhang taglay ni Kristopher Peralta noong nasa showbiz pa siya. Dahil din sa kanyang angking talento sa pag-arte ay maganda ang naging takbo ng kaniyang career.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Matutunghayan siya sa iba’t-ibang programa ng Kapamilya Network noon tulad ng “ILOG” at “GIMMICK” maliban dito ay naging parte din siya ng iba’t-ibang sikat na mga pelikula.
Ngunit nang dumating ang panahon nang siya ay magpakasal sa kanyang naging asawa na si Carla Angkee, napagdesisyunan ng dating aktor na umalis na sa showbiz sa kadahilanan na gusto niyang magkaroon ng pribadong buhay.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Maliban dito pinili din ng dating actor ang manirahan sa Davao kung saan una silang nagkakilala ng kanyang naging asawa. Saad niya na gusto niya umano sa lugar na ito dahil malayo umano sa trapiko, stress at problema na meron sa Manila. Sa una ay hindi sumang-ayon ang kanyang asawa ngunit kalaunan ay napapayag din niya ito.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Hindi naman nabigo sa naging desisyon ang aktor dahil nakapagpundar ito ng iba’t-ibang negosyo na siyang bumubuhay sa kanyang pamilya.
Photo Courtesy: Kristopher Peralta
Dagdag pa niya na may tiyansa pa din siyang magbalik loob sa showbusiness dahil magpahanggang ngayon ay nakakatanggap pa din siya ng mga alok upang maging parte ng mga programa na maaari nating mapanuod sa hinaharap.