Ito ang simple pero romantic anniversary celebration nina Elisse Joson at Mccoy De Leon

Kamakailan ay ipinagdiwang nina Elisse Joson at Mccoy De Leon ang kanilang anniversary bilang mag girlfriend at boyfriend sa isang romantic place sa Batangas na kanilang ibinahagi mismo sa isang Youtube vlog ni Elisse.


Image courtesy: Youtube/Elisse Joson

Napakasimple lamang ng kanilang anniversary date kung saan nag-renta lamang sila ng Airbnb sa isang napakagandang lugar sa Mt. Batulao kung saan overlooking ang napakagandang view tanaw ang mga bundok.





Image courtesy: Youtube/Elisse Joson
Image courtesy: Youtube/Elisse Joson

Sa kanilang anniversary celebration na ito ay talaga namang nag-take time sila na mag-relax ng silang dalawa lamang. Very romantic and peaceful din ang lugar na ito kaya naman sobrang mas sweet sila sa isa’t isa lalo na at napakaganda ng view.┬áSimpleng dinner at romantic bonfire sa gabi ang kanilang overnight stay dito.


Image courtesy: Instagram/Elisse Joson

“Another year of togetherness, growth and trials… It’s never easy but I’m thankful for all of it. Happy anniversary to us. Mahal kita,@mccoydeleon.”, pagbabahagi ni Elisse sa kaniyang post.


Image courtesy: Youtube/Elisse Joson

Sinubok man ang kanilang relasyon noon ay masaya namang nagkabalikan ang dalawa kung saan mas sweet and understanding na sila sa isa’t isa ngayon. Lalo na at mayroon na silang baby girl ngayon na si Felize.




Image courtesy: Youtube/Elisse Joson

“Noong sinubukan natin ulit noon, alam natin na hindi magiging madali. Alam natin na marami tayong pinagdadaanan ulit pero ito tayo ngayon magkasamapa rin. Tuloy tuloy pa rin ang pag-diskubre natin sa isa’t isa at sa mundo. Kinakaya maabot ang pangarap ng magkasama,” pagbabahagi ni Elisse.

Image courtesy: Instagram/Elisse Joson

Kwento nila ay hindi raw ganoon kadali na magbalikan ulit dahil na rin sa dami ng kanilang trials at challenges sa kanilang relasyon noon. Kaya naman patuloy pa rin silang mas magiging understanding sa isa’t isa upang mas makilala pa nila ang bawat isa.


Image courtesy: Youtube/Elisse Joson



“Hindi man malaprinsesang buhay ang nabibigay ko sayo, gagawa’t gagawa ako ng paraan sa abot ng aking makakaya, maibigay ko ang kasiyahan mo dahil makita,” pagbabahagi ni Mccoy.

“Happy anniversary sa atin, Elisse ko. Palagi kitang nasa dasal ko, promise. I love you,” ito ang nakakakilig na mensahe ni Mccoy para kay Elisse.


Image courtesy: Instagram/Elisse Joson

Happy Anniversary Elisse Joson and Mccoy De Leon!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *