Sa loob ng 18 na taon na pagsasama, maraming magagandang nangyari sa relasyon ng celebrity actress at actor na si Troy Montero at Aubrey Miles. Kaya naman naisipan ng dalawa na maging official na ang kanilang pagsasama bilang husband and wife sa pamamagitan ng civil ceremony na ginanap noong June 9, 2022.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Ibinahagi mismo ng aktres na si Aubrey Miles ang kaganapan sa kanilang simple civil wedding na kaniyang ipinost sa kaniyang Instagram account. Suot ang nakapasimpleng wedding dress ay talaga namang nag uumapaw ang kasimplehan at kagandahan ni Aubrey.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Taong 2021 pa sana ang kanilang intimate wedding na gaganapin dapat sa Batanes subalit dahil sa pabago-bagong restrictions sa ating bansa ay tuluyan na nilang kinansela ito upang hindi na rin sila mahirapan magplano.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Pagkukwento ng aktres, hindi raw siya gaanong nagbabalak noon ng kasalan sapagkat wala naman raw dapat baguhin at ayusin sa kanilang relasyon dahil masaya naman ang kanilang pagsasama. Subalit nagbago ang lahat mula ng na-realize nila ang importansya ng kanilang kasal para sa kanilang mga anak.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
“Of course the kids, deep down, I know they want us to get married. And now that they’re getting older, so when they say that, it has a little bit more meaning,” kwento ni Troy sa kanilang vlog.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Halos 18 years na rin ang pagsasama ng dalawa at sa kanilang pagsasama ay biniyayaan na nga sila ng dalawang anak na si Hunter at Rocket. Naging maganda ang relasyon ng dalawa dahil parehas na nagkasundo sina Aubrey at Troy sa kanilang fit and active lifestyle kaya naman tumagal din ng halos dalawang dekada ang kanilang pagsasama.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Simple civil wedding lamang ang kanilang kasal kung saan ang ilang mga celebrities kagaya ni Gretchen Fullido ang dumalo dito. Matapos ang kanilang kasalan ay ginanap ang kanilang simple reception sa Manila House, isang private membership club sa Taguig City.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
“It’s official. After 18 years together, it only takes 30 minutes to seal it. We did it.” Ito ang caption ng aktres sa kaniyang Instagram post.
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Image courtesy: Instagram/milesaubrey
Congratulations Aubrey Miles and Troy Montero!