Ito ang napakagandang tahanan ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez, ito ay ating silipin

Sa buhay natin, wala na tayong ibang pinapangarap maliban sa mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya. Kaya naman, sobra-sobra ang pagsusumikap at pagtitiyaga nating magtrabaho para sa kinabukasan natin at kinabukasan ng mga mahal natin sa buhay. Isa na rito ay ang mabigyan at mapatayuan sila ng bahay.


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram


Photo Courtesy: Sylvia Sanchez | Instagram

Katulad na lamang ng kilala at sikat na artista na si Jossette Ocampo-Atayde o mas kilala bilang si Sylvia Sanchez. Alam naman nating hindi matawaran ang kaniyang kagalingan sa pag-arte kahit ano pang role ang ibigay sa kaniya.


Photo Courtesy: RealLivingPH


Photo Courtesy: RealLivingPH

Kaya naman ay naging award winning ang aktres na ito. Nang dahil dito ay nakapagpatayo siya ng isang napakagandang multi-level home sa isang eksklusibong hilly subdivision na matatagpuan sa Quezon City.


Photo Courtesy: RealLivingPH


Photo Courtesy: RealLivingPH

Ibinahagi ng aktres na ang kaniyang asawa ang namahala sa disenyo nito habang siya naman ang namahala sa pagpili ng mga muwebles na ilalagay sa kanilang pinangarap na bahay. Ang nasabing tahanan ay nakapukaw ng atensiyon ng mga netizen dahil sa kagandahan nito at napakaelegante na kung saan ay maiisip mo talagang napakaganda nito sa loob.


Photo Courtesy: RealLivingPH


Photo Courtesy: RealLivingPH

Si Sylvia Sanchez ay maybahay ni Art Atayde at ina sa apat na anak na ang dalawa ay mga kilala ring aktor at aktres na sina Arjo Atayde at Rita Atayde at ang dalawa naman ay sina Gela at Xavi, mayroon ding siyang naging anak sa kaniyang dating nakarelasyon na si Pia Marie.


Photo Courtesy: RealLivingPH


Photo Courtesy: RealLivingPH

Siya ay ipinanganak sa Nasipit, Agusan del Norte at kasalukuyang 48 taong gulang. Ang kaniyang ama ay isang retiradong marino ngunit inabandona sila nito noong siya ay 10 taong gulang. Kaya naman, sa murang edad ay napagtanto niyang kailangan niyang maghanap-buhay upang may makain sa araw-araw at mapag-aral ang kaniyang mga kapatid.


Photo Courtesy: RealLivingPH


Photo Courtesy: RealLivingPH

Una siyang nagsimula bilang isang seksi aktres bago siya nakilala at sumikat. Ilan sa kaniyang mga naging pelikula at prime time t.v series ay: Esperanza, Mundo Man ay Magunaw, The Greatest Love, at kasalukuyang gumaganap bilang si Luzviminda Mabunga sa palabas ng ABS-CBN na Pamilya Ko at kasama niya rito si Joey Marquez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *