Nakakatuwang makita na ang sariling bahay ng kilalang singer at leader ng banda na si Chito Miranda at ng kaniyang wais misis na si Neri Miranda ay kanila ng binuksan parasa publiko.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Noong nakaraang linggo ay naglabas siya ng anunsyo sa kaniyang Facebook account at sinabing “for rent” na ang kanilang ipinatayong rest house malapit sa Tagaytay City.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Kasama ng balitang ito ang mga larawan na nagpapakita ng malawak na property ng Miranda family sa Alfonso, Cavite. Mayroon itong outdoor swimming pool, picnic area at basketball court kaya naman swak na swak ito bilang bahay bakasyunan ng magtropa o buong pamilya.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Siguradong enjoy din ang mga bagets dito dahil sa malawak na playground na mayroon pang treehouse na pwede nilang tambayan.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Apat ang kwarto sa buong bahay at lahat ito at mayroong installed na Smart TV at Netflix registered kaya naman pwedeng-pwede kang mag-movie marathon all-you-want.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Ayon sa post ni Chito, ang isang kwarto ay nagkakahalaga ng 5,000 pesos samantalang kung malaking pamilya naman o grupo ay maaari marentahan ang apat na kwarto sa halagang 20,000 pesos kada araw.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Pwede din rentahan ang buong lugar para sa mga events kagaya ng kasal o birthday dahil mayroon itong sariling pavilion area. Nagkakahalaga lang ito ng 50,000 pesos at talaga namang sulit na sulit dahil napaka-ganda ng lugar at maaliwalas pa.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Samantala, bago matapos ang kaniyang mahabang Facebook post ay nagbigay paalala si Chito sa mga nagnanais na pumunta sa kaniyang rest house.
Image source: Instagram/mrsnerimiranda
Sinabi nito na sana ay pangalagaan nila ang lugar at ituring itong parang sarili nilang bahay dahil hindi lamang ito basta rest house sa kanilang pamilya, dito na rin kasi talaga sila nagrerelax kapag hindi busy ang kanilang schedule.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Nabili ni Chito at ng kaniyang asawa ang property sa Alfonso, Cavite noong 2014 at dahil na-inlove sila sa ganda ng lugar ay bumili pa si Neri ng iba pang properties bilang investments.
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Image source: Instagram/mirandasresthouse
Ang lahat ng ito ay bunga ng sipag at tiyaga ni Neri at Chito sa kanilang karera sa buhay. Sa katunayan, kahit gaano na kayaman si Chito ay kayod kalabaw pa rin ang kaniyang asawa upang hindi lamang isang rest house ang kanilang maipatayo, dahil plano pa nilang magkaroon pa ng maraming investments at negosyo in the future.