Ito ang napakagandang newly decorated house ni Rayver Cruz na dinisenyo lamang ng 3 araw

Natahimik ngunit bigla nalang napahiyaw ang aktor na si Rayver Cruz nang masilayan ang loob ng kaniyang bagong renovated na bahay.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House



Sa Youtube vlog na inilabas nina Mr. at Mrs. B ng Moss Design House Manila ay makikita ang kakaibang saya sa mga mata ng aktor dahil sa ganda ng kinalabasan ng interior design ng bahay na matagal na niyang pangarap at nabili niya noon pang nakaraang taon.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Matatandaan na hindi kaagad ito napaayos ni Rayver dahil na rin sa sunod-sunod na lockdown sa kalakhang Maynila at sa pagiging abala nito sa kaniyang mga show.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Dahil dito ay naisipan ng kaniyang kasintahan na si Janine Guitierrez na ibahagi ang patungkol sa kaniyang iniidolong sikat na interior designer. Agad nag-schedule ng online meeting si Rayver kasama sina Mr. at Mrs. B., ang interior designer para Pag-usapan ang disenyo.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Unti-unting sinimulan ng Moss Design House Manila ang kanilang misyon na mapaganda ang dating bakanteng bahay ni Rayver sa loob lamang ng tatlong araw.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House




Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Pagpasok pa lang dito ay makikita na kaagad ang kaniyang living area na kakaiba sa lahat dahil hindi niya ito pinalagyan ng telebisyon pero sobrang sophisticated ang look nito.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Maliban sa sofa ay nandoon rin ang kahoy na kabinet kung saan naka-display ang mga mahahalagang gamit para sa aktor kagaya na lamang ng larawan niya kasama ang kaniyang ina at larawan ng idolo niyang basketbolista na si Kobe Bryant.




Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Katabi ng sala ay ang six-seater dining area ng aktor na may eleganteng disenyo gamit ang mga magagandang tablewares at ang classy chandelier nito.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Sa isang kwarto sa unang palapag ay nandoon ang entertainment room ni Rayver kung saan makikita ang TV at sound system nito. Matatagpuan rin dito ang malambot na vintage chesterfield sofa at ang dalawang samurai na memorable sa kaniya dahil nabili niya ito sa kauna-unahan niyang pamamasyal sa Japan.




Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Samantala, natigilan naman sina Janine, Rayver at nakababatang kapatid nitong si Maxine nang makita nila ang ayos ng kaniyang kwarto.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Mala-hotel ang set-up nito at tuwang-tuwa ang aktor sa mga disenyo na kaniyang nakita at hindi nga akalain na maging ang isang ticket ay nagawan pa ng paraan nina Mr. at Mrs. B para ma-display ng maayos sa kwarto.


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House


Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Sa huli ay emosyonal ang aktor dahil ang bahay na ito ay alay niya sa namayapang ina at sabi pa nga niya siguradong tuwang-tuwa ito ngayon dahil ganoon nalang siya ka-proud sa mga tagumpay ng kaniyang mga anak lalo na sa kanilang dalawa ni Rodjun.

Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Maging si Janine ay hindi rin naiwasang kiligin sa nakita niyang ayos ng bahay ng kasintahan at sa katunayan ay naluha ito sa sobrang kasiyahan.




Image source: Youtube/Mr Mrs B of Moss Design House

Ang Moss Design House Manila ay isa sa mga kilalang consultant sa ating bansa pagdating sa pagpapaganda ng mga bahay at ilan lamang sa kilalang celebrities na kanilang naging cliente ay sina Bela Padilla at Solenn Heussaff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *