Ito ang napakagandang minimalist white and beige bedroom ni Barbie Imperial

Sa youtube channel ng aktes na si Barbie Imperial, eksklusibong ipinakita ng aktres ang itsura  at ilan sa mga gamit sa kaniyang bedroom na matagal ng nais makita ng kaniyang mga followers at fans. Masasabi nga talaga na bedroom goals ang kwarto ni Barbie Imperial dahil sobrang chic at minimalist ang style nito.





Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

Ayon kay Barbie, siya mismo ang nag-decorate at nag arrange ng kaniyang kwarto dahil gusto nito na maging aesthetically pleasing sa mata ang kaniyang bedroom na hindi kinakailangan na gumastos pa para sa interior designer.





Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

“Ako lang ang nag design nito kasi medyo kuripot ako,” pagbabahagi ni Barbie.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

Sa katunayan, ang ilang mga decors at furniture sa loob ng kaniyang kwarto ay nabili lamang niya ng murang halaga sa Shoppee. Ang mga store na pinagbilhan ni Barbie ay kaniya mismong ibinahagi sa vlog na ito para sa mga nais bumili.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

White and beige minimalist ang theme ng kaniyang bedroom kaya naman kung titignan ay sobrang clean at soft nito sa mata dahil walang mga shocking colors. Neutral lamang ang lahat ng kaniyang napiling kulay dahil ito rin ang usong uso na style ngayon.



Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

Subalit ang isang furniture na kaniya talagang pinag-invest-an ay ang mini vintage style refrigerator na kilala sa brand na SMEG. Ang brand na ito ay mayroong mga napakamahal na presyo ng mga refrigerator dahil sa kanilang vintage style at pasok sa modern aesthetic ngayon.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

Mayroon din itong mini vanity mirror at make up table na kaniya mismong inorganize. Maliit lamang ang bedroom ni Barbie subalit sobrang comfy nitong tignan dahil ang ganda ng kaniyang bed wall frame na nakapag bigay ng accent sa kwarto.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial


Ang ilan nga sa kaniyang mga decor ay galing raw mismo sa Pinterest kung saan kinopya lamang niya ito at ipina-frame para mas tipid subalit eleganteng tignan.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

Very happy nga ang aktres sa kaniyang bedroom dahil siya mismo ang nag-ayos nito kaya naman proud na proud siyang ibahagi ito sa kaniyang followers para mainspire din sila sa kaniyang minimalist bedroom goals.


Image courtesy: Youtube/Barbie Imperial

We love it Ms. Barbie Imperial! Super chic but simple!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *