Ito ang napaka cute na babaeng anak ni Buboy Villar na manang-mana sa kaniyang American Mom

Sa murang edad pa lamang ay naranasan na ng batang aktor na si Buboy Villar kung papaano maging isang Ama nang magbunga ang pag-iibigan nila ng American national girlfriend na si Angillyn Serrano Gorens.


Image source: Instagram/buboyvillar


Image source: Instagram/buboyvillar

Una silang nagkakilala noong taong 2015 dahil sa malalapit nilang kaibigan at unti-unting nahulog ang loob sa isa’t isa. Makalipas nga ang isang taon ay umamin sila sa totoong estado ng kanilang relasyon at walang pag-aatubiling ibinahagi ang kanilang kwento sa publiko.


Image source: Instagram/buboyvillar

Naging masaya ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan at mas lalo nga itong naging makulay nang isilang ni Angillyn ang panganay nilang anak na babae na si Vlanz Karollyn noong ika-30 ng Agosto taong 2017.


Image source: Instagram/angillyn_gorens
Image source: Instagram/angillyn_gorens

Lubos ang kasiyahan ni Buboy nang masilayan ang mukha ng kaniyang napaka-cute na prinsesa at mas lalong naging maigting ang kaniyang hangarin na magtrabaho ng maayos upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.


Image source: Instagram/angillyn_gorens
Image source: Instagram/angillyn_gorens

Habang lumalaki si Vlanz ay nagiging mas kamukha ito ng kaniyang ina na si Angillyn ngunit hindi rin maikakaila na mayroon itong ilang pagkakahawig kay Buboy. Nakakatuwa at talaga namang talented ang batang ito na madalas ibahagi ng kaniyang ama sa social media.


Image source: Instagram/angillyn_gorens


Image source: Instagram/angillyn_gorens

Samantala, makalipas ang ilang taon ay nasundan ng kapatid na lalaki si Vlanz at ipinanganak ito ni Angillyn sa Amerika noong taong 2019. Binigyan nila ito ng pangalang George at kamukhang-kamukha rin ng kaniyang ate.


Image source: Instagram/buboyvillar


Image source: Instagram/angillyn_gorens

Kumpleto na sana ang pamilya ni Buboy at Angillyn ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagdesisyon ang dalawa na tapusin ang kanilang relasyon at tuluyan ng maghiwalay. Agad naman itong ikinalungkot ng kanilang mga taga-suporta kung titignan ay tila maayos na ang kanilang munting pamilya.


Image source: Instagram/buboyvillar

Sa kasalukuyan ay nasa Amerika si Angillyn kasama ang kaniyang dalawang anak samantalang si Buboy naman ay naiwan sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang kaniyang karera bilang artista.


Image source: Instagram/angillyn_gorens


Image source: Instagram/angillyn_gorens

Sa kabila ng lahat ay hindi nagsisisi ang aktor at hanggang ngayon ay mayroon pa rin naman silang komunikasyon ng dating kasintahan. Malayo man siya sa dalawang anak ay proud na proud rin ito dahil nakikita niyang lumalaki bilang mabubuting bata sina Vlanz at George.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *