Kahit dalawa na ang anak ng aktres na si Kylie Nicole Padilla sa kaniyang asawa na si Aljur Abrenica, tila parang isang dalaga pa din ito sapagkat para bang hindi kumukupas ang napakagandang mukha nito at fit na pangangatawan. Ito na rin ay dahil sa kaniyang mga magulang na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco na mayroong magagandang lahi.
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
Hindi talaga mapagkakaila na ang pamilya Padilla ang isa sa may pinakamagandang lahi sa industriya ng showbiz. Mula sa kaniyang mga anak hanggang sa kaniyang mga pamangkin ay talaga namang namumukod tangi ang ganda ng kanilang lahi.
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
Subalit para sa aktres na si Kylie, tila mas namana nito ang magandang lahi ng kaniyang Ina na si Liezl Sicangco. Sa katunayan, sa larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account ay mapapansin na magkamukhang-magkamukha sila ng kaniyang Ina.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
Image source: Instagram/Le1z_zel
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
Halos parang kakambal niya ito sapagkat namana ni Kylie ang magandang kutis ng kaniyang Ina at ang matangos na ilong nito. Maging ang fashion sense ng kaniyang Ina ay parehas sa aktres kung saan simple and minimalist look ang kanilang istilo sa pananamit.
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
Dahil mayroon ng sariling buhay ngayon ang aktres at isa na rin itong ganap na Mommy ay hindi na madalas nakakasama ni Kylie ang kaniyang Ina lalo na at nasa Australia ito noon. Kahit na ganoon ang kanilang sitwasyon ay nagkakausap pa rin sila ng kaniyang Ina.
Image courtesy: Instagram/kylienicolepadilla
Sa katunayan, siya ang naging support system ni Kylie simula ng malaman niyang ipinagbubuntis niya ang kaniyang panganay na anak na si Alas.
Image source: Instagram/kylienicolepadilla
Image source: Instagram/Le1z_zel
Sa katunayan, one year old na si Baby Alas bago makita ng Nanay ni Kylie ang kaniyang anak dahil hindi madali para sa aktres na lumipad sa ibang bansa sapagkat marami itong proyekto sa industriya.
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
Kaya naman keep in touch na lamang ang mag-ina sa tuwing mayroong nais malaman si Kylie pagdating sa pagiging isang Ina.
Image source: Instagram/Kylienicolepadilla
“I don’t take for granted how lucky I am to still have my mom with me. Seeing her with Alas is like feeling safe. In her hands I know he will be alright and that’s all I could ever want. Ang next mission ko, dapat magpaturo akong magluto sakanya dahil napaka sarap magluto ng nanay ko. Walang biro. Para ready na talaga for another milestone in my adult life…”caption ni Kylie sa kaniyang Instagram account.