Simple ngunit elegante ang kagandahan ng bahay ng aktres na si Erich Gonzales ng ipakita niya sa media ang loob ng kaniyang bahay. Ipinasilip ito ng aktres sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang ginawang Youtube vlog bilang pagpayag sa hiling ng kaniyang mga fans.
Image source: Instagram/erichgg
Image source: Youtube/erich gonzales
Kapansin-pansin ang pagiging maaliwalas ng lugar kung saan nakatira ang aktres at ayon sa kaniya ito ang naging dahilan kung bakit napili niyang bilhin ang bakanteng lote noong 22-taong gulang pa lamang siya.
Image source: Instagram/erichgg
Makalipas ang ilang taong pagtatrabaho bilang artista at commercial model ay nakapag-ipon si Erich at napasimulan niya ang konstraksyon ng bahay noong 2014 at agad silang nakalipat bago pa man matapos ang taon.
Image source: Youtube/erich gonzales
Image source: Instagram/erichgg
Simple lang ang gusto ni Erich sa kaniyang bahay at ayaw niya ng kung anu-anong palamuti na hindi naman kailangan. Sa katunayan, siya na mismo ang nag-disenyo nito at hindi na kumuha pa ng interior designer.
Image source: Youtube/erich gonzales
Image source: Youtube/erich gonzales
Kumpleto ito sa kagamitan kagaya ng pangkaraniwang bahay at mayroon ngang sofa, telebisyon, hapag-kainan at iba pang appliances sa kusina.
Image source: Youtube/erich gonzales
Image source: Youtube/erich gonzales
Samantala, kapansin-pansin naman ang pagkakaroon ng napakaraming kurtina sa loob nito at ayon sa aktres, ramdam niya ang pagiging bahay ng lugar kapag marami siyang nakikitang kurtina lalo na kung simple ang design nito na mas nagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam.
Image source: Youtube/erich gonzales
Image source: Instagram/erichgg
Ibinahagi rin ni Erich kung ano ang kaniyang paboritong lugar sa bahay at ito ay walang iba kundi ang “lanai” o ang lugar sa labas ng kaniyang bahay kung saan natatanaw niya ang magandang kapaligiran. Mayroon itong maliit na mesa at mga upuan at napapaligiran din ng mga halaman.
Image source: Youtube/erich gonzales
Image source: Instagram/erichgg
Lubos ang pagkahilig ng aktres sa mga pananim at sa katunayan, maraming puno at mga bulaklak ang makikita na nakapaligid sa kaniyang bahay. Ang isa nga nilang tanim na saging ay madalas magbunga at ito ang gustong-gusto ni Erich.
Image source: Instagram/erichgg
Sa likurang bahagi naman ay matatagpuan ang maliit na bakanteng lote at plano niyang taniman ito ng iba pang mga gulay. Ipinakita rin niya ang malawak nilang garahian kung saan nandoon ang tatlong puting kotse. Ang dalawa dito ay ang kaniyang SUV at ang isa naman ay van na ginagamit niya kapag mayroong malayuang taping.
Image source: Youtube/erich gonzales
Sa huli ay ibinahagi ni Erich kung gaano siya kasaya dahil naisakatuparan niyang makapagpagawa ng sariling bahay sa lugar na maganda ang tanawin.
Image source: Instagram/erichgg
Proud rin nitong nabanggit na araw-araw niyang nasisilayan ang ganda ng sunrise at sunset mula sa pwesto ng kaniyang kwarto. Hindi rin siya nakalimot na magpasalamat sa mga taong naniwala sa kaniyang talento at sumuporta sa kaniyang mga ginagawa.