Kilala si Sharon Cuneta bilang isang magaling na singer, actress, talkshow host, commercial ad endorser at reality show judge sa industriya ng Philippine showbiz. Tinagurian din siya sa industriya bilang “Mega Star”. Marami na siya naibahagi at nagawang proyekto sa industriya kaya’t kilala siya nang karamihan, hinahangaan at nakapagbibigay inspirasyon.
Ngayon, matutunghayan natin ang napaka-eleganteng family home nila Sharon Cuneta sa Mandaluyong. Makikita rito ang siguridad at pagiging pribado ng kanyang napakalaking bahay. Binansagan ng pangalan ang kanilang bahay ng mga malalapit nila na kaibigan ng “The Fortress”.

Ang magara at pribadong bahay nila ay may napaka-elegante interior at may malawak na kapaligiran na perfect para sa kasiyahan at pagrerelax. Ito rin ay punong puno ng mga artwork display at mga kagamitan na naghahatid ng eleganteng kabuuan.

Sa Front Door ng bahay ay makikita ang mga bamboo curtains na nakapagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam. Makikita rin sa kabilaang side ng front door ang upuan at lamesa. Bubungad rin ang ornate sunburst-and-cherub sculpture na binili ni Sharon sa Paris.
Ang Grand Staircase nilang napaka-elegante na nakapagbibigay ginhawa sa pakiramdam, gawa bawat baytang sa marble at wrought-iron naman sa railings.


Ang bahay ay may Dalawang Living Area. Ang Unang Living Area ay ginawa para sa mga bisita at mga kaibigan. Makikita rito ang kulay light mocha showcase seatings, paintings, table lamps, sinamahan ng ilang ibinagay na kulay at malaking espayo na nag bibigay ng kaaya-aya at maaaliwalas na pakiramdam.
Sa Pangalawa, sasalubong ang napakulay na living Area. May mga kulay pulang decorasyon, kagamitan na nakapagbibigay ng liwanag at sinamahan ng kulay puting pader na mas nagbigay ng classical at elegante sa kabuuan.

Makikita sa Dining Area ang mahabang lamesa na sinasamahan ng 12 na upuan, chandelier na napakaganda, paintings, at kulay puting pader na nagbibigay ng liwanag at maaliwalas na kabuuan.


Ang Kitchen Area ang happy place ni Sharon at ng kaniyang pamilya. Binubuo ito ng mga high-end na appliances at makikita rin dito ang isang maliit na elevator na tinatawag na “dumbwaiter” kung saan pwedeng ideliver ang pagkain sa ibang floor ng kanyang bahay.
Kung gusto naman na makapag-isa at tahimik na lugar na presko at makalanghap ng sariwang hangin perfect ang Outdoor Lounge Area na makikita sa ground floor ng kanilang guest house.


Maganda rin na makapag relax tuwing umaga o gabi man sa may Swimming Pool Area na nagbibigay ng magandang view, maaliwalas na kapaligiran, sariwang hangin at kalmanteng pakiramdam.