Walang ibang hangad ang mga magulang kung hindi maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang pinakamamahal na anak. Kaya naman ganoon na lang ang pagsusumikap na ginagawa nila upang maisakatuparan ang hangaring ito ngunit may mga pagkakataong nalalagay sila sa hindi inaasahang pagkakataon. Kagaya na lamang ng naging buhay ng batikang aktor na si Wowie de Guzman.
Image source: Instagram/wowskie
Ang pagmamahalan nila ng dating asawa na si Sheryl Ann Reyes ay nagbunga ng isang napaka-gandang anak na babae at binigyan nila ito ng pangalang Alexandra Rafaella o mas kilala sa tawag na Raff.
Image source: Instagram/wowskie
Abot-langit nga ang saya ng mag-asawa nang masilayan ang bagong-silang na sanggol at napuno ang kanilang puso ng mga pangarap para sa munti nilang pamilya. Ngunit makalipas ang halos isang buwan ay binawian ng buhay ang asawa ni Wowie sa hindi na nabanggit na kadahilanan.
Image source: Instagram/wowskie
Noong una ay hirap na hirap ang kalooban ng aktor at napupuno ng kung anu-ano ang kaniyang kaisipan. Hindi niya alam kung papaano magpapatuloy sa buhay simula ng mawala ang kaniyang kabiyak.
Image source: Instagram/wowskie
Sa kabutihang palad ay namulat si Wowie sa katotohanang kailangan niyang maging matatag para sa kanilang anak at nilakasan ang loob nito para makayanang magampanan ang responsibilidad bilang ina at ama kay Raff.
Image source: Instagram/wowskie
Samantala, tila ba nabubuhay pa rin ang kaniyang asawa na si Sheryl dahil kamukhang-kamukha ito ng kanilang anak na si Raff at marami ring pagkakahawig ang kanilang pag-uugali.
Image source: Instagram/wowskie
Sa katunayan maging ang ilang mannerism nito ay namana niya rin sa ina. Magaling din itong sumayaw at isa ito sa ginagawa nilang bonding na mag-ama. Sa Instagram account naman ng dating aktor ay naka-dokumento ang mga bagay na ginagawa niya kasama ang anak na si Raff.
Image source: Instagram/wowskie
Magmula nga sa pagpapaligo dito noong sanggol pa lamang hanggang sa ipagdiwang ang kaniyang unang kaarawan ay ibinagi itong lahat ng aktor sa social media. Kapansin-pansin rin ang paglalaan ng mahabang oras ni Wowie upang masigurong masaya at lumalaki ng tama ang kaniyang unica hija.
Image source: Instagram/wowskie
Image source: Instagram/wowskie
Makikitang nga na sa kabila ng negatibong nangyari sa kaniya ay nagkaroon si Wowie ng panibagong pag-asa at dahilan para lumaban sa buhay dahil araw-araw niyang nakikita ang anak na kaniyang inspirasyon.