Ito ang bahay bakasyunan ni Katrina Halina na kaniyang pag-aari sa Palawan

Sino nga ba sa atin ang hindi mamamangha sa mga naggagandahang aktres at aktor. Kasabay na dito ang mga nag-gagandahan nilang pag-aari tulad ng mga sasakyan, private helicopter, at mga tahanan. Maliban sa mga bagay na ito ay mayroon din silang silang bakasyunan na talagang mapapahanga ka sa ganda nito at mapapahanga ka din kung saan ito matatagpuan.





Image courtesy: Katrina Halili | Instagram

Tulad din nila ay ubod din ng ganda ang kanilang mga pinapagawa sa kanilang mga ari-arian na tila nasa ibang bansa ka kung ikaw ay makakapunta. Hindi din birong pera, tiyaga, at sipag ang kanilang inilaan upang makamit ang mga bagay na ito.


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram




Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktres, mayroong napakagandang katawan, at ubod ng ganda, ito ay walang iba kundi si Katrina Halili. Ipinasilip ni Katrina ang isa sa mga paborito niyang puntahan na ari-arian at ito ay matatagpuan sa Palawan.


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram

Napag-alaman na bumili umano ito ng 13 ektarya ng lupa sa Palawan at nagpatayo ng kanyang magandang tahanan na talaga namang nakakarelax pagmasdan. Ang tahanan ni Katrina Halili ay mayroong tatlong kwarto na nakaharap sa mga magagandang tanawin.

Image courtesy: Katrina Halili | Instagram


Maliban sa kanyang bahay ay mayroon din siyang mga taniman ng palay, at bakanteng lupa para sa pag-aalaga ng hayop tulad ng baboy. Ang nasabing bahay bakasyunan ay napapaligiran ng mga naglalakihang mga puno na hitik sa mga bunga. Maihahalintulad mo ang lugar ni Katrina na tila isang paraiso na may nakatirang isang diwata.


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram

Mapapansin sa mga litrato na napakasimple lamang ang disensyo ng kanyang tahanan. Ang mga gamit na matatagpuan doon ay mga gawa karamihan sa kahoy na parang nasa sinauna kang bahay ngunit moderno ang mga itsura nito.


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram

Mapapansin din ang mga naglalakihang mga bintana na may mga puting kurtina na nagdadagdag sa nakakarelax na ambiance at sabayan pa nito ang preskong hangin na manggagaling sa kanyang kapaligiran papasok sa mga bukas na bintana.



Image courtesy: Katrina Halili | Instagram


Image courtesy: Katrina Halili | Instagram

Marami sa mga netizens ang natuwa sa ibinahagi na ito ni Katrina Halili at umani din ito ng mga positibong komento at isang katutak na likes.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *