Ito ang Ancestral House nina Xian Lim sa Antipolo na talagang na-preserve ang ganda ng kanilang bahay

Sa kaniyang Youtube vlog ay ipinasilip ng aktor na si Xian Lim ang bahay na tinitirahan niya sa loob ng mahigit sampung taon. ¬†Ang bahay na ito ay isang ancestral house na naitayo pa noong 80’s at kasama niyang nakatira dito ang kaniyang Lola at si Mommy Mary Ann.


Image source: Youtube/Xian Lim

Ayon sa aktor, wala silang gaanong ginawang renovation sa bahay dahil gusto niyang i-preserve ang original vibe nito pati na rin ang memories na nabuo dito ng kaniyang mga ninuno.




Image source: Youtube/Xian Lim


Image source: Instagram/Xian Lim

Tanging ang kisame sa living area ang ipinagawa ni Xian at ipinataas niya ito ng kaunti para maging mas maaliwalas ang lugar.


Image source: Youtube/Xian Lim

Naglagay din siya ng mini attic na ginawa niyang entertainment area para sa mga bisita. Makikita dito ang mga wide sofa na gustong-gusto ni Xian dahil relaxing siya gamitin at sa katunayan ay nabili na niya ito kahit hindi pa siya nakakalipat ng bahay.


Image source: Youtube/Xian Lim


Image source: Instagram/taylorlivingph

Kapansin-pansin naman ang kaniyang mga book collection at ipinakita pa nito sa mga netizens kung papaano ginagawa ang origami, isang Japanese art ng pagtutupi ng mga papel. Nandito rin ang ilang koleksyon nila ng mga painting at cross stitch arts na gawa ng kaniyang Lola.




Image source: Youtube/Xian Lim

Samantala, aminado rin ang aktor na mahilig siya sa mga rock formations o natural stones at gusto niya ang ganitong mga dekorasyon sa loob ng kaniyang bahay. Ilan lamang sa kaniyang mga collections ang amethysts rock na sobrang bigat at makikita ito sa kaniyang living room.


Image source: Instagram/taylorlivingph

Nagpakitang gilas naman si Xian sa mga netizens at sinubukan nitong gamitin ang dalawang piano na meron sila sa kanilang bahay.

Wala pa ring kupas ang galing nito sa pagtugtog at talaga namang nakakadagdag ng pogi points ang pagkahilig niya sa mga musical instruments kagaya ng piano at gitara.


Image source: Instagram/taylorlivingph


Image source: Youtube/Xian Lim

Para naman ma-maintain ang ganda ng kaniyang katawan ay nagtayo ang aktor ng sarili niyang gym area sa gilid lang ng kanilang bahay at halos lahat nga ng equipments ay kumpleto siya dito.


Image source: Youtube/Xian Lim



Samantala, nakaka-relax namang tumambay sa kanilang pool area na ipinagawa ni Xian para sa kaniyang swimming exercise at para na rin sa iniisip niyang pool party kasama ang kaniyang mga pinsan.


Image source: Youtube/Xian Lim


Image source: Youtube/Xian Lim

Talaga namang cozy home ang meron si Xian sa Antipolo City at halos lahat ng kailangan niya sa buhay ay nasa loob na ng kanilang bakuran. Mas lalo nga siyang nasasabik na umuwi dito galing sa trabaho dahil muli niyang makakasama ang kaniyang Lola at si Mommy Mary Ann.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *