Isang Tatay, Hinamon ang Anak na magpapayat Kapalit ang Sampung-Libong Piso bilang motibasyon

Iba’t-iba ang ginagawang motibasyon ng ating mga kababayan kung papaano nila maabot ang ninanais na timbang o pagdidiet. Ang ilan sa mga tipikal na dahilan ay ang kagustuhang makapagsuot ng swimsuit sa nalalapit na beach trip o di kaya naman ay bilang paghahanda para sa isang espesyal na okasyon.

Kaugnay nito, isang ama ang nagbahagi sa social media kung papaano niya binigyan ng motibasyon ang kaniyang anak na magpapayat sapagkat napansin nito na dumadagdag na ang kaniyang timbang


Image source: Facebook/Jeric Paulo De Jesus

“See you in 5 months baboom! Mapapasayo kaya ang 10k?? Abangan!!!!”, caption ni Jeric Paulo De Jesus sa kaniyang Facebook post kasama ang larawan ng anak niyang si Jelaine Paola at ang kanilang naging kontrata.


Image source: Facebook/Jeric Paulo De Jesus

Batid ni Jeric na isa sa mga kinakaharap na problema ng mga kabataan sa panahon ngayon ay ang mabilis na pagtaas ng timbang kaya naman hinikayat niya ang anak na gumawa ng hakbang upang ito ay masolusyunan.

Ayon sa kanilang kontrata, dapat bumaba ng 50 kilos ang timbang ni Jelaine mula sa 69 kilos na taglay niya sa kasalukuyan. Limang buwan ang palugit na ibinigay ng kaniyang Ama upang magawa ito at makamit ang tumataginting na sampung libong piso. Lumagda silang dalawa sa nasabing kasulatan kasama rin ang isang saksi na si Annalaine.


Image source: Facebook/Anna laine De Jesus

Tinanggap ni Jelaine ang hamon at hindi lamang pera ang kaniyang naging motibasyon kundi ang kagustuhang maging inspirasyon sa kapwa kabataan lalo na at maraming tao ang sumusubaybay sa paraan na kaniyang gagawin upang mabawasan ang timbang.


Image source: Facebook/Jeric Paulo De Jesus

Samantala, lubos na kinagiliwan ng mga netizens maging ng mga kamag-anak ni Jelaine ang naging paraan ng kaniyang ama at halos lahat sila ay gusto ring tanggapin ang hamon na ito. Umabot pa nga sa napakaraming shares at likes ang post na ito kung saan tila mas naging challenge sa iba ang ganitong paraan.


Image source: Facebook/Anna Laine De Jesus

Marami kasi sa ating mga Pinoy ang nakakaranas ng sobrang timbang kung saan nagdudulot ng karamdaman kaya naman isang paraan ito nang sa gayon ay mamotivate ang ating kapwa na makapagbawas ng kanilang timbang para na rin sa kapakanan ng kanilang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *