Buwan na naman ng mga puso kaya na-uuso ngayon ang bulaklak at mga regalo kagaya ng teddy bear at chocolates. Itong buwan na ito ang isa sa pinaka-inaabangang panahon ng taon upang ipagdiwang ang pag-ibig lalo na ng mga magkasintahan.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Ngunit ang celebrasyong ito ay hindi lamang para sa dalawang pusong nagmamahalan kung hindi ay para din sa buong pamilya. Sa katunayan, isang magsasaka ang napaka swerteng nakatanggap ng napakalaking money bouquet na naglalaman ng 200k!
Image source: Facebook/BBs Sweets
Nakilala ang maswerteng lalaki bilang si Mang Larry Longboy at nakatira siya sa Dingras, Ilocos Norte. Pagsasaka ang pangunahin niyang hanap-buhay at halos buong araw ang inilalaan niya para mapangalagaan ang kaniyang mga pananim sa bukid.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Hindi biro ang ginagawa ni Mang Larry sa kaniyang sakahan lalo na at mano-mano ang lahat ng kaniyang trabaho kasama ang kaibigan nitong kalabaw. Madalas nga ay sumasakit ang kaniyang katawan dulot ng maghapong pagtatrabaho at marahil ay dala na rin ng katandaan. Kaya naman, ganoon na lamang ang tuwa na naramdaman niya ng matanggap ang surpresang hatid sa kaniya ng mga kamag-anak.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Sa pamamagitan ng Facebook page na BBs Sweets, kilala sa paggawa ng mga sentimental na regalo ay naihatid ng matagumpay ang napakalaking bouquet kay Mang Larry. Sa halip na mga bulaklak ay naglalaman ito ng tag-iisang libong pera na umabot sa 200,000 pesos. Sa sobrang dami nga nito ay halos kasingtangkad na ni Mang Larry ang bouquet na hawak-hawak niya.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Ayon sa nasaping page, nais ng mga kamag-anak ni Mang Larry na matulungan siya sa kaniyang kalagayan at nagtagumpay naman ang mga ito dahil sa halip na gamitin sa ibang bagay ay ibinili ito ni Mang Larry ng isang sasakyang pambukid o traktora.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Malaking tulong ito upang mapabilis ang pag-aasikaso niya sa sakahan at mabawasan na rin ang pananakit ng kaniyang katawan. Abot-langit nga ang kaniyang pasasalamat sa mga kamag-anak lalo na at ngayon lang siya nakatanggap ng ganito kalaking halaga.
Image source: Facebook/BBs Sweets
Samantala, napa-sana all nalang ang mga netizens nang makita ang balitang ito sa social media at ang ilan naman ay natuwa sa ipinakitang pag-uugali ni Mang Larry dahil naging mabuting katiwala ito ng biyaya na kaniyang natanggap.