Isabelle Daza, napakablooming at fresh ngayon sa kaniyang pregnancy journey

Mula ng ipinanganak ng aktres na si Isabelle Daza ang kaniyang unang anak na si Baltie sa asawang si Andrien Semblat, naging usap-usapan ang kaniyang pagdagdag ng timbang sa social media.


Image source: Instagram/isabelledaza

Isa ito sa ikinalungkot ng aktres kung saan umabot pa ito sa takot niyang lumabas dahil sa sasabihin ng iba. Ngunit sa kabilang banda, naging stepping stone rin ito ni Isabelle Daza para mas mahalin ang kaniyang sarili at bigyan ng pansin ang kaniyang kalusugan.


Image source: Instagram/isabelledaza


Image source: Instagram/isabelledaza

Kaya naman itong ikalawa niyang pagbubuntis ay hindi na siya nagpaapekto sa sasabihin ng iba at mas naging blooming and fresh pa ito ngayon dahil na rin sa kaniyang baby bump.

Sa kaniyang Instagram account, malaki na ang tiyan ni Isabelle Daza at malapit na itong manganak pero pansin pa rin sa kaniyang overall look ang pregnancy glow na bagay na bagay sakaniya.

Sa katunayan, madalas pa itong magkaroon ng maternity photoshoot habang suot ang active wear ng isang brand na kaniyang pinopromote.


Image source: Instagram/isabelledaza


Image source: Instagram/isabelledaza

Bukod doon, nakuha pa ni Isabelle Daza na magpunta sa Hongkong kasama ang kaniyang asawa na si Adrien at ang kanilang one year old baby Baltie. Nakapag hiking pa ito sa second highest peak sa Hongkong kahit napakalaki na ng kaniyang tiyan.


Image source: Instagram/isabelledaza


Image source: Instagram/isabelledaza


Image source: Instagram/isabelledaza

Mapapansin na sobrang ganda ngayon ng aktres at mas lumitaw ang pregnancy glow sa kaniyang mukha simula ng pumasok ito sa kaniyang second trimester ng pagbubuntis.


Image source: Instagram/isabelledaza

Marami man siyang naging bashers noon dahil sa kaniyang biglaang pagtaas ng timbang ay mas naging matatag ngayon si Isabelle dahil mas natutunan niyang mahalin ang kaniyang sarili ngayon.


Image source: Instagram/isabelledaza

Imbes na mahiya sa ibang tao ay mas ine-embrace ng aktres ang kaniyang pregnancy journey dahil alam niyang isa itong big blessing sa kaniya ng Panginoon.

Kaya naman para maging inspirasyon sa iba ay ibinahagi niya sa kaniyang Youtube vlog ang kaniyang weight loss journey matapos ipinanganak si baby Baltie. Naging advocacy na rin niya ang importansya ng self love para sa ating mental health kaya naman ibinahagi rin nito kung paano mahalin ang sarili pagdating sa isang relasyon at sa perspective ng ibang tao sa atin.


Image source: Instagram/isabelledaza


Image source: Instagram/isabelledaza

Sa kasalukuyan ay mas abala na siya sa kaniyang pamilya at sa kaniyang healthy lifestyle kung saan hindi na siya naaapektado ng mga negative comments ng iba.

Gorgeous mom, Isabelle Daza! Keep Shining!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *