Isabel Oli, Ibinahagi ang Sikreto kung papaano kinakaya ang pag-alaga sa tatlong anak sa edad na 39

Si Isabel Oli ay isa sa mga kilalang mukha sa mundo ng showbiz ngunit mas pinili nito ang pribadong buhay matapos silang ikasal ng aktor na si John Prats. Dahil dito ay marami siyang natutunan at talaga namang nabago ang kaniyang pananaw sa buhay.


Image source: Instagram/isabeloliprats

Ikinasal siya noong May 16,2015 sa Nayomi Sanctuary Resort na matatagpuan sa Balete, Batangas at makalipas ang isang taon ay ipinanganak niya ang panganay nilang si Feather.


Image source: Instagram/isabeloliprats

Sa kasalukuyan ay tatlo na ang anak ni Isabel at aminado itong hindi madali ang ginagampanan niyang papel bilang ina lalo na ngayong siya ay tatlumpu’t siyam na taong gulang na. Hindi maiwasan na maubos ang kaniyang enerhiya sa pag-aalaga sa mga bata dahil malilikot na ang mga ito at mayroon pa siyang sanggol na madalas nangangailangan ng kaniyang atensiyon.


Image source: Instagram/isabeloliprats

Batid ng aktres na bilang isang ina ay mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan dahil malaking epekto sa mga bata kung siya ay may karamdaman kaya naman mas lalo siyang naging health conscious.


Image source: Instagram/isabeloliprats

May mga pagkakataon na siya mismo ang gumagawa at nagluluto ng pagkain ng kaniyang pamilya at naglalaan din ng sapat na oras para makapag-ehersisyo. Sa katunayan ay ginagawa niya ito limang beses sa isang linggo at sa tulong ng kaniyang paboritong gatas ay nararamdaman niyang mas lumalakas ang kaniyang katawan at mga buto sa kabila ng pagdagdag ng taon sa kaniyang buhay.


Image source: Instagram/isabeloliprats

Hindi rin kinakalimutan ni Isabel ang pag-inom ng maraming tubig at pagtulog sa tamang oras dahil alam niyang ang mga simpleng bagay na ito ay malaki ang magagawa upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng karamdaman.


Image source: Instagram/isabeloliprats

Maliban dito ay mas lalong naging malapit si Isabel sa Panginoon at kung gaano niya gustong maging malusog ang pisikal na pangangatawan ay ganoon din ang hangarin niya sa kaniyang espiritwal na buhay. Naniniwala kasi ang aktres na sa ganitong paraan ay mapapalaki niya ng maayos ang mga anak at matuturuan ito kung papaano maging isang mabuting tao.


Image source: Instagram/isabeloliprats


Image source: Instagram/isabeloliprats

Tunay ngang kahanga-hanga ang disiplina na ginagawa ni Isabel kaya naman kitang-kita ang magandang epekto nito sa kaniyang katawan at sa mga anak na kaniyang inaalagaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *