Bukod sa isang komedyante at recording artist si Michael V ay isa rin itong negosyante na inilalaan ang kaniyang oras sa kaniyang magandang trabaho upang mas makapagbigay ng kaginhawaan sa kaniyang pamilya.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Hindi birong oras ang inilalaan ni Bitoy upang masiguro na maayos ang kaniyang trabaho ngunit sa kabila nito ay hindi din naman niya napapabayaan ang kaniyang pagiging asawa at Ama.
Sa isang online kwentuhan nga na ginawa niya kasama ang host na si Bianca Gonzalez ay ibinahagi ni Bitoy ang ilang paraan kung papaano niya inaalagaan at pinapalaki ang kaniyang mga anak. Isa-isa niyang sinagot ang tatlong katanungan ng mga ina na inimbita rin ni Bianca.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Una nilang napag-usapan ang patungkol sa pagtuturo sa mga bata ng mahahalagang asal. Ayon kay Michael V, iba’t ibang istilo ang ginagawa ng mga magulang pagdating sa ganitong bagay at para sa kaniya, itinuturo niya ito sa mga anak sa pamamagitan ng paglalahad ng mga halimbawa upang mas lalo nila itong maunawan.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Mahaba ang kaniyang ginagawang pagpapaliwanag ngunit mayroon din namang mga pagkakataon na hinahayaan niya ang mga bata na sila mismo ang makatuklas nito base na rin sa mga gawa na ipinapakita nilang mag-asawa.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Sinagot rin ni Bitoy ang tanong patungkol sa pagiging “neat freak” ng mga magulang o yung mga sobrang linis at gusto ay halos walang dumi ang kanilang anak. Para sa kaniya, mainam naman ang pagiging malinis sa bata ngunit kinakailangan rin nilang maranasang madumihan upang ma-immune sa dumi upang di magkaroon ng karamdaman.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Samantala, napag-usan nila ni Bianca ang patungkol sa pagkakaroon ng quality time nito sa kaniyang mga anak. Ibinahagi ni Bitoy na madalas ay sa Barber Shop sila nagtutungo ng mga anak na lalaki upang mag-relax at mag-bonding. Ang kaniyang mga anak na babae naman ay madalas niyang ayain na mag-dinner date sa magagandang restaurant.
Image courtesy: Instagram/michaelbitoy
Ayon pa kay Michael V, natutunan niya sa kaibigang si Paolo Contis, na habang bata pa lang ang kanilang anak na babae ay mas mainam ng taasan mo ang standard bilang isang lalaki sa buhay nila.
Ang kaniyang mga anak na babae naman ay madalas niyang ayain na mag-dinner date sa magagandang restaurant.
Sa ganitong paraan kasi ay inihahanda mo raw ang iyong anak sa kanilang kinabukasan at malalaman kung ano ang mga katangian na hahanapin nila sa magiging kasintahan balang-araw.
Ang kaniyang mga anak na babae naman ay madalas niyang ayain na mag-dinner date sa magagandang restaurant.
Talaga namang disiplinado ang mga anak ni Bitoy ngunit hindi nito nakakalimutang maging maluwag kapag kinakailangan.