Lahat tayo nangangarap ng magandang buhay, magkaroon ng mga bagay na mayroon din ang iba at higit sa lahat ay mabigyan at makatamasa ng kaginhawaan hindi lamang ang ating sarili kundi pati na rin ang ating pamilya.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Kaya naman, kapag nakita at nakamit na natin ang lahat ng ating mga pinapangarap, lahat ng hirap at pagod ay baliwala na sa atin at mas lalo pa tayong nagpupursige sa mga bago pang bagay na nais natin sa buhay.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Katulad na lamang ni Antonita Maria Carmen Fernandez Moynihan o mas kilala bilang su Maritoni Fernandez na kung saan ay kaniyang ibinahagi at ipinakita ang kaniyang bagong beach house na matatagpuan sa Morong, Bataan kasama ang kaniyang anak na sina Lexi at Liam.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Ang nasabing larawan ay may kapsyon na kung saan ay sobra-sobra ang kaniyang pagpapasalamat sa Panginoon dahil nakasama niya ang mga importanteng tao sa kaniyang buhay sa pagkakaroon niya ng mga biyayang galing sa Diyos. Maliban dito ay ibinahagi rin niya ang ilang mga larawan ng kaniyang bagong bahay na kung saan ay under construction sa Bataan.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Dahil sa kaniyang ganda at hubog ng pangangatawan ay naging commercial model at aktres si Maritoni na kung saan ay talagang nakilala siya sa telebisyon hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Sa kaniyang husay at galing sa pag-arte ay makikita siya sa iba’t-ibang movie kasama ang nag-iisang Fernando Poe, Jr. at lumabas din siya sa isang award-winning Hong Kong films Days of Being Wild.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Talagang mapaglaro ang tadhana, sa kaniyang ika-30 kaarawan ay nakitaan na meron siyang malubhang karamdaman na kung saan ay sumailalim siya sa isang lumpectomy sa United States.
Photo courtesy: Maritoni Fernandez | Instagram
Sa kabila ng kaniyang naging karamdaman ay hindi siya iniwan at pinabayaan ng Panginoon, sa ngayon ay nagsisilbi siyang tagapagsalita para sa mga pasyenteng mayroon ding gaya ng kaniyang karamdaman dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ano mang hirap at hamon ng buhay ay kakayanin para sa pamilya at mga pangarap sa buhay.