Masayang-masaya ang celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa pagdating ng kanilang baby girl na si Dahlia Amelie. Ipinanganak ito sa Australia kung saan nagmula ang Ama ni Anne at doon na rin pansamantalang nanirahan kasama ang Mommy ng aktres na talaga namang hands-on sa kaniyang apo.
Image source: Instagram/annecurtissmith
Malayo man sa Pinas ay nasubaybayan pa rin ng mga netizens ang paglaki ni Dahlia dahil laging updated si Anne sa kaniyang mga Instagram posts.
Image source: Youtube/Anne Curtis
Sa katunayan, marami ang nagsasabi na kamukha ito ng kaniyang Daddy Erwan samantalang ang ilan naman ay napansin ang pagkakahawig ng mata nito sa kaniyang Mommy Anne. Makikita din sa Instagram ng aktres ang kauna-unahang larawan ng kaniyang anak simula ng siya ay ipanganak hanggang sa matuto itong umupo at gumapang.
Image source: Instagram/annecurtissmith
Kumpleto rin ang kaniyang monthly photos magmula 1-month-old at mismong sina Anne at Erwan ang naging designer at photographer ng kanilang DIY baby photoshoot na ginawa sa loob lang ng bahay.
Image source: Youtube/Anne Curtis
Sa ngayon ay balik Pilipinas na ang buong pamilya ni Anne Curtis at sa kanilang pagbabalik ay naging abala ito sa sunod-sunod na projects na kaniyang ginawa. Sa kabila nito ay nagkaroon pa din siya ng panahon para i-celebrate ang first birthday si Dahlia kasama ang kanilang kamag-anak.
Image source: Youtube/Anne Curtis
At ngayon na malaki na si Dahlia ay wala silang ibang hiling kundi ang ma-suportahan ang anak sa mga gusto nitong gawin habang lumalaki. Sa katunayan, pinayagan na nila itong lumabas sa isang diaper commercial na unang ipinalabas sa publiko noong nakaraang linggo.
Image source: Youtube/Anne Curtis
Image source: Youtube/Anne Curtis
Image source: Youtube/Anne Curtis
Bibong-bibo at para bang sanay na talaga sa camera itong si Dahlia at kitang-kita na nag-enjoy siya sa kauna-unahan niyang commercial kasama si Mommy Anne.
Image source: Youtube/Anne Curtis
Isang paaboritong bonding moments ng mag-ina ay ang hiking noon nasa Australia pa sila at ang pagbabasa ng story book na madalas ibahagi ng aktres.
Image source: Youtube/Anne Curtis
Talaga namang napaka-cute ni Dahlia Amelie at nakakatuwa itong makita na lumalaking kagaya ng kaniyang mga magulang. Ang ilang netizens nga ay excited na rin sa iba pang commercials na pwedeng nitong magawa samantalang ang ilan ay gusto itong maging artista kagaya ng kaniyang Mommy Anne.