Ang isang bagay na madalas nating tignan sa isang lifetime partner ay ang kaniyang estado sa buhay o propesyon sa trabaho. Ito ay marahil sa kadahilanan na kung mas maganda ang kaniyang trabaho ay mas giginhawa ang ating buhay o mas magkakaroon tayo ng future kasama sila. Subalit hindi naman dapat ganoon ang ating mindset pagdating sa paghanap ng true partner sa buhay sapagkat ang importante ay makilala nating mabuti ang tao at maramdaman natin ang pagmamahal at pag-aalaga na kaya nilang ibigay sa atin kahit ano pa ang kanilang estado sa buhay.
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Katulad na lamang ng newlywed couple na ito na nag-trending sa social media dahil sa kanilang inspiring love story na ibinahagi sa mga netizens. Sinong mag-aakala na ang isang professional engineer ay makakahanap ng kaniyang forever at magugustuhan ang isang tricycle driver!
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Isang professional Engineer si Mary Rose Vargas at isa namang tricycle driver si Danilo Nolasco Jr. Bata pa lamang ang dalawa ay nagkakilala na sila at naging mag-childhood sweethearts ng halos mahigit labing apat na taon o 14 years. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay marami na silang naranasang saya at problema sa kanilang buhay. Maging hanggang sa pagaabot ni Mary Rose sa kaniyang pangarap na maging isang Professional Engineer ay kasama na niya sa tagumpay si Danilo.
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Para sa kanilang pre-nuptial photoshoot na pumatok sa media, ang naisipan nilang tema ay ang kanilang lambingan moments habang nakasakay sa tricycle ni Danilo sa isang lugar sa Greenhills San Diego, Paranaque City kung saan sila madalas mag-date. Simple lamang ang kanilang mga litrato subalit makikita na proud na proud si Mary Rose sa kaniyang asawa kahit isa lamang itong tricycle driver dahil alam niyang marangal na trabaho ito.
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
“Nag-aaral pa lang ako ng Engineering, nandiyan ka na para patawanin ako tuwing pagod sa biyahe from school to bahay. Salamat kasi nahintay mo ako…”
“Maaaring hindi ideal ang aming lovestory. Engineer ako, tricycle dirver sya. Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin. Pwedeng tumaas ang kilay ng iba pag nalaman nila kung ano trabaho niya, pero who cares mamsh? hahaha,” pahayag ito ni Mary Rose.
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Simple man ito ay damang-dama mo ang kagandahan sa bawat larawan na nagpapakita kung gaano ka-totoo ang kanilang pagmamahalan. Marami man raw ang napapatanong kung bakit napamahal siya sa isang tricycle driver ay hindi na lamang niya ito pinapansin sapagkat ni minsan ay hindi raw niya nakitang maliit na trabaho lamanga ng pagiging isang tricycle driver.
Image source: Facebook/Meiiot Vargas
Ang pagmamahalan nga ng dalawa ay pinagtibay na ng panahon at alam nila sa isa’t isa na kahit ano pa man ang mga pagsubok na dumating at kahit magiba man ang estado ng kanilang buhay ay tiyak nilang malalampasan ang bawat problema dahil mahal nila ang isa’t isa. Tunay ngang ang pag-ibig ay wagas at kapag tumibok na ang iyong puso para sa isang tao siguradong wala ka ng takas.