Matapang, matulungin, matikas at may alam sa batas, ilan lamang ito sa mga katangian ng binansagang “Idol in Aksyon” na si Raffy Tulfo.
Image source: Instagram/raffytulfoinaction
Sa paglipas nga ng mahabang panahon ay marami na rin siyang natulungan at napatunayan sa publiko lalo na ang kaniyang pagtulong sa mga Pilipino. Kaya naman hindi nakakapagtaka na dumami ng dumami ang kaniyang mga tagahanga.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Maliban sa kaniyang trabaho sa media ay abala rin si Raffy sa paggawa ng mga vlogs para sa sariling Youtube channel na ngayon ay mayroon ng umaabot sa mahigit 19 milyong subscribers!
Image source: Instagram/raffytulfoinaction
Nakilala rin ang reporter at host na si Raffy Tulfo sa kaniyang hilig sa pagkolekta ng magaganda at de-kaledad na mga sapatos at damit na madalas ay ginagamit niya sa set.
Image source: Instagram/raffytulfoinaction
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Ayon sa kwento ni Idol, noon ay wala siyang sariling damit at ang kaniya lang ginagamit ay mula sa mga ibinigay ng kamag-anak o di kaya naman ay napag-liitan ng kaniyang nakakatandang kapatid.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Naging suki na nga daw siya ng patahian dahil madalas siyang bumisita doon upang ipaayos at paliitan ang mga bigay na damit at pantalon.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Inamin rin ni Raffy na noong nanliligaw pa lang ito sa kaniyang asawa na si Congresswoman Jocelyn Pua-Tulfo ay hiniram niya lang lahat ng kaniyang gamit magmula sa sapatos, pantalon, damit at maging relo ng kaniyang Kuya Ben ay nahiram niya rin.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Ngayon ay lubos na pinagpala si Raffy at doble-doble ang ibinalik na biyaya sa kaniya dahil sa pagiging matulungin sa kapwa. Kaya naman nabibili na niya ang mga gusto niyang gamit kagaya na lamang ng sapatos na naging koleksyon na nito.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Sa kaniyang vlog ay makikita ang isang kwarto na puno ng iba’t ibang mamahaling sapatos na minsan o hindi pa nga nito naisusuot. Patuloy itong dumadami dahil na rin sa madalas na pagreregalo sa kaniya ng kaniyang mahal na asawa.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Maliban dito ay mayroon ding nakahiwalay na kwarto ang kaniyang mga Amerikana, long-sleeves at kurbata na ginagamit niya bilang isang reporter.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Bawat isa nga sa kaniyang mga kagamitan ay mayroong kani-kaniyang kwento at ang ilan pa dito ay naging “lucky charm” niya dahil sa tuwing isusuot ay sunod-sunod ang pagpasok ng swerte sa kaniyang buhay.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Sa kabila nito ay handa nang ibenta ng host ang ilan sa mga koleksyon upang bigyang daan ang hangarin niyang makatulong sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Image source: Youtube/Raffy Tulfo in Action
Lahat ng detalye patungkol dito ay ilalabas nila sa publiko sa pamamagitan ng sariling e-commerce site ni Raffy Tulfo na pinangalanan niyang “Idol Shopping Network.”