Idinetalye ni Kakai Bautista na taga buhat at taga laba lamang siya ng costumes ni Lea Salonga noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya

Sinong mag-aakala na ang isang extra lamang noon na kagaya ni Kakai Bautista ay isa ng sikat at kilalang-kilalang artista sa industriya ngayon showbiz? Bago pa man makilala si Kakai Bautista bilang isang komedyante ngayon ay alam niyo ba na isang costume assistant lamang siya noon kay Lea Salonga?


Image source: Instagram/ilovekaye

Ibinahagi ni Kakai ang istoryang ito sa kaniyang Instagram account kamakailan lamang bilang pasasalamat sa kaniyang idol na si Lea Salonga na bigay inspirasyon sa kaniyang buhay.


Image source: Instagram/ilovekaye

Halos ilang taon na rin sa industriya si Kakai, nagsimula ito bilang taga-assist sa ilang mga aktres hanggang sa nagkaroon ng pa-extra extra na proyekto sa ilang mga pelikula hanggang sa makilala bilang isang magaling na komedyante na bumibida na ngayon sa mga big movies ng showbiz.


Image source: Instagram/ilovekaye


Image source: Instagram/ilovekaye

Subalit kahit ganoon man ang kaniyang pinagdaanan, malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng kaniyang stepping stone sa pag-abot ng kaniyang pangarap lalo na sa aktres na si Lea Salonga.


Image source: Instagram/ilovekaye

“Almost 17 years ago, I had the chance to know this amazing person. I was her Wardrobe assistant sa “They’re playing our song”. TPOS was first staged here in Phils, by Sinagpore Repertory Theater at AFP Theater in Camp Aguinaldo.”


Image source: Instagram/ilovekaye

Ang pagiging wardrobe assistant ni Kakai kay Lea Salonga ay siya ring nagbigay ng inspirasyon at motibasyon sakaniya na ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa.


Image source: Instagram/ilovekaye

Naranasan niyang maglaba at magplantsa ng mga customes maging ang maglakad ng ilang kilometro para makapunta sa set sapagkat mahirap pa ang kaniyang buhay noon kaya wala itong pambayad ng taxi. Ito rin kasi ang kaniyang kauna-unahang trabaho sa mundo ng theater arts noon.


Image source: Instagram/ilovekaye

“It was my first job in professional theater. Pawing-pawi everyday ang pagod sa paglalaba, pamamalansta, pagbubuhat ng mabigat na customes, paglalakad ng ilang kilometro (wala akong pangtaxi), pagtitiis ng gutom, DAHIL SA KABUTIHAN ng iyong puso. Salamat sa pagiging ikaw araw araw sa loob ng 8 buwan. Oo napakaswerte ko at nakasama at nakatrabaho kita, pero mas maswerte ako dahil sa inspirasyong binigay mo sa buhay ko. Gagawin ko pa rin yun ng paulit ulit kung bibigyan ako ng pagkakataon, i will always be your wardrobe assistant,”


Image source: Instagram/ilovekaye


Image source: Instagram/ilovekaye

Ang lahat ng ito ay proud siyang ibahagi sa kaniyang mga tagasuporta dahil hindi niya ito ikinakahiya. Bagkus, malaki pa ang pasasalamat niya kay Lea Salonga dahil napakabuti raw nito sakaniya noon bilang kaniyang costume assistant.


Image source: Instagram/ilovekaye


“You remind me of such beautiful things! I love you to the moon and back Ms. Lea Salonga. May God continue to bless you and your family always— your volunteer song lady, KAKAI,”pagbati ni Kakai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *