Ibinahagi nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang naging hirap nila noon sa Amerika sa pag-aalaga ng kanilang kambal na anak

Isa sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa mga maswerteng celebrity couple na nabiyayaan ng Panginoon ng kambal na anak. Bukod kasi sa magandang lahi at parehas pa silang nasa industriya kaya naman marami rin ang sumubaybay sa paglaki ng kanilang kambal.


Image source: Instagram/mina_villaroel




Subalit ibinahagi ng mag-asawa na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na hindi naging madali ang unang mga taon sa kanilang pagsasama noon.

Lalo na at hindi pa sila ganoon kasikat sa industriya ng show business at nakikitira lamang sila noon sa bahay ng Kuya ni Zoren sa Amerika kung saan doon na rin ipinanganak ng aktres ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy noong January 6, 2001.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Ayon kay Carmina, sa sala sila noon natutulog dahil iisang kwarto lamang ang meron sa bahay ng kuya ni Zoren. Kasama niya ang kambal sa sofa bed samantalang ang kaniyang asawa naman ay sa isang kama na inilagay sa sala.


Image source: Youtube/Gmanetwork



“Nakikitira lang po kami sa brother ni Zoren sa states. Yung sala na-convert na namin into our bedroom. Yung sofa bed sa akin and cassy. Yung bed na nilagay nila doon si Maverick at si Zoren,” pagbabahagi ni Carmina.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Ibinahagi niya rin na doble ang hirap na pinagdaanan nila ng aktor dahil dalawang baby kaagad ang kailangan nilang alagaan ng sabay.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Bilang mga first time parents ay talaga namang nanibago sina Zoren at Carmina sa bagong responsibilidad na kailangan nilang gampanan noon.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Ngunit sa kabila nito ay na-enjoy naman ng mag-asawa ang pag-aalaga sa kambal at dobleng saya nga ang naramdaman nila sa tuwing tinitingnan ang mukha ng napaka-cute na mga bata.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Sobrang blessed din ang mag-asawa dahil naging katuwang nila ang mga kamag-anak ni Zoren sa Amerika at kahit papaano ay naging magaan ang kanilang pag-aalaga.


Image source: Youtube/Gmanetwork

Samantala, sa dalawang bata ay mas mahirap daw patulugin ang bunsong si Cassy dahil kailangan pang kumanta ni Carmina at ihele ito upang makatulog ng mahimbing kumpara sa kaniyang kuya na si Mavy. Mga happy babies din daw ang dalawa at hindi iyakin ang mga ito kaya naman masarap silang alagaan.




Image source: Youtube/Gmanetwork

Sa ngayon ay malalaki na ang kambal at kagaya nina Carmina at Zoren ay aktibo rin ang mga ito sa mundo ng show business. Maliban sa mga shows ay nakakasama rin ng mag-asawa ang dalawa sa iba’t ibang commercials at TV guestings.


Image source: Instagram/mina_villaroel


Image source: Instagram/mina_villaroel

Samantala, hindi mapigilan ni Carmina na maging emosyunal nang magbigay ito ng mensahe para sa mga anak at sinabing kahit na tumanda ang mga ito at umaabot ng 40 years old ay baby parin ang turing niya kina Mavy at Casy.


Image source: Instagram/mina_villaroel


Nakakatuwa ngang makita ang pamilya nina Carmina at Zoren lalo na at mayroon silang kani-kaniyang kamukha sa dalawang anak. Ang mga netizens naman ay lubos silang hinahangaan at tinagurian pang hashtag “family goals”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *