Hindi mo aakalain na katulad ng ibang mga babae ay isa rin pala ang aktres na si Pauleen Luna na nakakaranas ng PCOS. Isa itong karamdaman na partikular sa mga babae lamang kung saan naaapektuhan ang kanilang hormones dahil ito mabalanse ng kanilang katawan.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Kahit gaano ka-healthy ang aktres na si Pauleen Luna ay madalas pa din daw siyang makaramdam ng sintomas ng karamdaman na ito. Kamakailan nga lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account ang hirap sa pagkaroon ng ganitong klaseng k0ndisyon.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Hindi biro ang pagkakaroon ng PCOS dahil maliban sa hormonal imbalance ay maaari rin itong magdulot ng iba pang kumplikasyon. Kaya naman hanggat maaari ay healthy living ang aktres upang maibsan ang ilang sintomas na kaniyang nararamdamn.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Matapos ang mga pagsusuri na ginawa ng aktres ay mas naka-pokus siya ngayon upang mapabuti ang kaniyang kalusugan at maingat na pinipili ang mga pagkain na kaniyang inihahanda sa araw-araw.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Sinasabayan niya rin ng tamang ehersisyo upang mabalanse ang kaniyang hormones at mapalakas pa lalo ang kaniyang resistensiya.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
“A little over a month into my fitness journey and I’m starting to feel strength coming back! I’ve accepted that it’s a slow progress but slow is better than none. Living with PCOS is no joke. Making good choices with my food intake and moving (it’s pilates, walking, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me,” pagbabahagi nito sa kaniyang Instagram account.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Mahigit isang buwan na rin ang nakakalipas nang mag-umpisa si Pauleen sa kaniyang “fitness jouney” at ibinahagi nitong napansin niya kaagad ang positibong epekto nito sa kaniyang katawan. Naramdaman ni Pauleen na mas lalong lumakas ang kaniyang pangangatawan dahil sa palagian nitong ehersisyo at pagkain ng wasto.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Kaya naman sa kabila ng hirap na kaniyang iniinda ay masaya pa ring nagagampanan ni Pauleen ang kaniyang responsibilidad bilang asawa, ina at host ng Eat Bulaga. Patuloy din siyang nanalangin na mapagtagumpayan ang pagsubok na ito at bumalik sa normal ang estado ng kaniyang kalusugan.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Isang bagay na kailangan rin niyang maiwasan ay ang sobrang stress sa katawan kaya naman hanggat maaari ay nagbabakasyon silang pamilya upang ma-relax ang kaniyang isip at guminhawa ang kaniyang pakiramdam.
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Image source: Instagram/pauleenlunasotto
Sa ngayon ay wala pang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong kondisyon ang mga kababaihan at patuloy ang mga eksperto sa paghanap ng mabisang soluyon upang matulungan ang mga kababaihan sa hirap na kanilang pinagdadaanan.