Nito lamang nakalipas na dekada ay maraming mga kilalang artista ang sumulpot upang tayo ay pahangain at pasayahin sa kanilang mga proyekto. Ang iba sa kanila ay hindi naman galing sa mga kilalang pamilya ngunit nabigyan ng pagkakataon upang patunayan ang sarili nila.
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Karamihan kasi ng artista na kilala natin ay madalas nanggagaling sa mga kilala ding pamilya na nagtratrabaho sa showbiz. Ngunit mayroon din namang nanggaling sa simpleng buhay hanggang siya ay matuklasan at mabigyan ng pagkakataon na mabago ang buhay.
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Tulad lamang ni Liza Soberano na nanggaling sa simpleng pamumuhay hanggang sa maging sikat at mayaman na artista.
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Marami ang nakakakilala sa aktres na ito dahil sa taglay nitong kagandahan at kagalingan sa pag- arte. Naging usap-usapan din siya dahil sa kanyang magandang performance na pinakita sa pagboses sa isang karakter sa animated series na pinamagatan na Trese.
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay marami umano pala siya pinagdaanan bago niya makamit kung ano ang mayroon siya ngayon.
Photo Courtesy: Ogie Diaz | Instagram
Ibinahagi ng kilalang manager na si Ogie Diaz ang pinagdaanan ng kanyang alaga na si Liza Soberano bago pa man ito nakilala sa mundo ng showbiz. Ibinahagi ni Ogie na hindi umano nanggaling sa mayaman o kilalang pamilya ang aktres sapagkat sila ay mahirap noong makilala niya ito.
Photo Courtesy: Liza Soberano | Instagram
Sadyang maganda, makinis, at artistahin ang dating ni Liza noong una niya itong nakilala. Dagdag pa niya na dahil sa sobrang bait umano ng aktres at gustong-gusto makatulong sa pamilya ay ginawa niya lahat upang maging successful sa showbiz.
Photo Courtesy: Liza Soberano | Instagram
Nagawa pa umano umutang ng aktres kay Ogie ng mahigit kumulang kalahating milyon ngunit ito ay nabayaran umano agad dahil sa isang matagumpay na komersyal na kanyang ginampanan.
Photo Courtesy: Liza Soberano | Instagram
Hanggang sa naging sunod-sunod na ang kanyang mga ginampanang programa kung kaya hindi lang kay Manager Ogie siya nakabayad ng utang kundi sa lahat ng tao na kanilang pinagkakautangan. Lubos umano nagpapasalamat ang aktres sa walang sawang suporta na binigay ng kanyang manager sa kanya.