Dahil sa nangyaring krisis sa buong mundo, ang family-oriented na si Nico Bolzico ay nahirapan sa kaniyang sitwasyon sapagkat sa unang pagkakataon ay matagal tagal niyang hindi nakasama ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.
Image source: Instagram/solenn
Image source: Instagram/solenn
Matatandaan na madalas umuwi si Nico sa Argentina upang makasama ang kaniyang mga magulang at makabonding ang kaniyang mga kamag-anak doon.
Image source: Instagram/nicobolzico
Sa katunayan, madalas silang maghiwalay ni Solenn Heusaff tuwing sasapit ang pasko at bagong taon sapagkat nag-cecelebrate ito ng kaniyang holidays kasama ang kaniyang pamilya sa Argentina habang si Solenn naman ay sa Pilipinas.
Image source: Instagram/solenn
Kaya naman matapos ang mahigit ilang buwan na nasa Pilipinas dahil na rin isinilang ang kanilang anak na si Thylane, sa unang pagkakataon ay nakabalik na ng Argentina si Nico.
Image source: Instagram/solenn
Subalit hindi naging madali ang kaniyang pag-alis sapagkat sobrang nahirapan daw siyang iwanan ang kaniyang mag-ina lalo na at nasa developmental stage ang kaniyang anak.
Image source: Instagram/solenn
I have been in Argentina for 13 days already. I came here to see my family after almost 2 yeaes and I am extremely happy to see them. On the other hand, I had to say goodbye to solenn and TiliBolz, and it was the most difficult task I have ever done. I always know they will be there for the rest of my life, but being away from them reminds me that I am not with them everyday,” caption ni Nico sa kaniyang Instagram post.
Image source: Instagram/solenn
Nakaranas ng separation anxiety si Nico lalo na at araw araw niyang kasama ang kaniyang mag-ina buong lock down. Siya rin mismo ang madalas na nagbabantay kay Thylane kaya naman mahirap para sakaniya na iwanan lamang ito.
Image source: Instagram/nicobolzico
Image source: Instagram/nicobolzico
“They are my silver lining during this pandemic and I spent everyday together with them which makes the separation really hard. But that is life, you cannot be everywhere all the time and goodbyes are inevitable. What is important is you make the most out of the long-term relationships and enjoy your everyday moments…”
Image source: Instagram/solenn
Image source: Instagram/solenn
Masaya si Nico na sa matagal na panahon ay nabisita niya ulit ang kaniyang pamilya at nakabonding rin niya ang kaniyang mga magagandang pinsan.
Image source: Instagram/nicobolzico
Image source: Instagram/solenn
Matagal man silang magkahiwalay ni Solenn at Thylane, alam niya sa kaniyang sarili na habang buhay naman niyang makakasama ang mga ito sapagkat ito na ang kaniyang pamilya ngayon.