Ibinahagi ni Melai Cantiveros na mayaman sila noon subalit bigla silang naghirap dahil sa isang pangyayari

Masayahin, kalog at laging totoo sa kaniyang pagkatao ang ilan lamang sa mga magagandang katangian na sinasabi ng karamihan patungkol sa Pinoy Big Brother Winner na si Melai Canteveros.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Lubos ngang kinagiliwan ng mga netizens ang nakakatuwa nitong pag-uugali at ayon mismo sa batikang host na si Toni Gonzaga ay isa si Melai sa mga kilala niyang tao sa industriya ng show business na hindi nag-iba ang ugali kahit na sunod-sunod ang mga tagumpay na kaniyang natatanggap.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Sa isang panayam nga nito sa kaniyang Youtube channel series na “Toni Talks” ay napag-usapan ng dalawa ang buong buhay ni Melai simula noong bata pa siya. Ayon sa PBB winner, lumaki siyang kinikilala ang pamilya na isa sa mayayaman sa General Santos, City.


Image source: Youtube/Celestine-Gonzaga Soriano

Ang kaniyang Ama ay nagmamay-ari ng malaking bangka na ginagamit upang manghuli ng malalaking isda sa laot kagaya ng tuna na ibinebenta pa nila sa abroad. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nalugi ang kanilang negosyo nang mahuli ang bangka matapos nitong mapadpad sa teritoryo ng Indonesia.

Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Dahil dito ay unti-unting naghirap ang kanilang pamilya matapos tustusan ang pangangailangan ng pamilya ng kanilang mga tauhan at dahil na rin sa panlulumo ng kaniyang Ama.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Sa kabila nito ay patuloy ang buhay nina Melai, salamat na lamang sa kaniyang ina na gumawa ng paraan para sa kanilang mga pangangailangan.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Samantala, aminado si Melai na grabe ang disiplinang natanggap niya mula sa kaniyang mga magulang at kung noon ay hindi niya ito lubos na nauunawaan, ngayon ay malaki ang pagpapasalamat niya dahil nakatulong ito sa kung sino siya ngayon bilang isang indibidwal.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Natutunan niyang makuntento sa kung anong meron at hindi magkaroon ng inggit sa kung sinuman. Maliban dito ay ibinahagi rin ni Melai ang nakakatawang pangyayari noong una siyang magkaroon ng boyfriend at wala na ngang nagawa si Toni kundi tumawa nalang ng tumawa.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Ibinahagi rin nito na noon ay katuwaan lang ang pagsali niya sa PBB at dahil sa udyok ng mga kaibigan ay tumuloy siya sa pila kahit ito ay napakahaba.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Dahil nga sa angking kakaibang talento at galing ay hindi nakakapagtakang mapabilang siya sa PBB housemates at ikinatuwa naman ito ng kaniyang mga magulang lalong-lalo na ng kaniyang Ama na tila ba nabuhayan at nagkaroon ng bagong pag-asa.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Sa ngayon ay masaya si Melai dahil sa pamamagitan ng nasabing reality show ay mas lalo niyang nakilala ang sarili at doon pa natagpuan ang lalaki na makakasama niya habang-buhay. Naging daan din ito para makatulong siya sa kaniyang pamilya at sa ating mga kababayan na nangangailangan.


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco


Image source: Instagram/mrandmrsfrancisco

Tunay ngang ang mga pinagdaanan nating pagsubok ay siyang makakatulong upang mas lalo tayong tumibay sa pagharap sa anumang hamon ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *