Ibinahagi ni Kim Chiu ang biggest regret in life niya na hindi siya nakatapos ng kolehiyo dahil sa pag-aartista

Masasabing isa sa mga successful celebrity ngayon ang aktres na si Kim Chiu dahil matapos siyang hirangin bilang Big winner ng reality show na “Pinoy Big Brother” ay sunod-sunod na rin ang mga tagumpay na nakamit niya sa buhay.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Sa katunayan, maraming netizens ang nagsasabi na halos nasa kaniya na ang lahat ng “sana-all” natin sa buhay kagaya na lang ng magandang trabaho, love life at kakayanang makapagtravel sa magagandang lugar.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay mayroong isang bagay na pinagsisisihan ang aktres at ito ay ang hindi niya pagtatapos sa kolehiyo.


Image source:Youtube/Kim Chiu Ph

Sa kaniyang ginawang Youtube vlog ay inamin ni Kim na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral hanggang sa kolehiyo dahil na rin sa kaniyang trabaho sa industriya.


Image source:Youtube/Kim Chiu Ph

“Isa ito sa mga regrets ko in life, na hindi nakapagtungtong ng college…But i think everything happens for a reason and then dito ako dinala and masaya ako na napagcollege ko yung tatlo sa mga kapatid ko and then nakapagtapos sila ng pag-aaral… i think its rewarding for me.” pagbabahagi ni Kim.

Image source: Instagram/chinitaprincess

Sa kabila nito ay naniniwala si Kim na nakatadhana siyang mapunta sa mundo ng show business at magtrabaho bilang artista upang makatulong sa kaniyang pamilya.


Image source:Youtube/Kim Chiu Ph

Sa katunayan, napagtapos niya ng pag-aaral ang kaniyang mga kapatid at itinuturing itong isa sa pinaka-magandang reward na kaniyang natanggap.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Samantala, ang hindi alam ng lahat ay sinubukan din naman ng aktres na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at sa katunayan ay nag-enroll ito sa ilalim ng programa ng University of the Philippines Open University mula 2015 hanggang 2017.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Isa itong distance-learning institution para sa mga kagaya ni Kim na kung saan online ang lahat ng kaniyang klase.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Business Management ang kinuhang kurso ng aktres at noong una ay nakakayanan niyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Ngunit dumating ang pagkakataon na nahirapan ito dahil sa dami ng projects at exam na sumasabay pa sa taping ng kaniyang mga teleserye at ASAP performance.


Image source:Youtube/Kim Chiu Ph

Kaya naman, nagdesisyon si Kim na pansamantalang tumigil sa pag-aaral at mag-focus nalang sa kaniyang career kung saan mas lalo siyang naging successful.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Samantala, hindi naman nawawalan ng pag-asa si Kim Chiu na makakabalik siya sa pag-aaral ngunit sa ngayon ay wala pa siyang sapat na oras para gawin ito. Ayon pa sa aktres hindi siya papayag na hindi makakuha ng College degree kaya naman kasama na ito sa mga plano na gusto niyang gawin sa hinaharap.


Image source: Instagram/chinitaprincess

Tunay ngang mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon kung saan kahit ang isang succesful at mayaman na kagaya ni Kim Chiu ay ninanais pa rin ang magkaroon ng sapat na edukasyon para sa kaniyang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *