Ibinahagi ni Gabbi Garcia ang kaniyang mga pagsubok na pinagdaanan sa pagpasok sa showbusiness dahil sa pagiging isang morenang babae

Sa mundong ating ginagalawan, hindi maiiwasang walang masabi at mapuna ang kahit na sinong tao batay sa iyong pananamit, ugali, estado sa buhay at higit sa lahat ang iyong pisikal na kaanyuan.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram




Bawat tao sa bawat bansa ay may kaniya-kaniyang basehan ng kagandahan. Minsan, ang pisikal pang kaanyuan ang nagiging basihan kung bakit may mga taong hindi natatanggap sa trabaho kahit na sila ay matatalino at may kakayahang gawin sa nasabing trabaho.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram


Image courtesy: BJ Pascual | Instagram

Kung ating mapapansin, hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan ang hindi magandang pagtingin o hindi pantay na pagtingin at pagtrato sa kahit sinong tao pagdating sa mga taong mayroong maiitim na kulay ng balat.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Kaya naman hindi na ito iba sa mga bansang may ganitong klase ng pag-iisip. Kahit dito sa bansang Pilipinas ay ganito narin ang nangyayari na ang pagkakaroon ng isang makinis, at maputing balat ang basihan ng kagandahan pagdating sa mga kababaihan.






Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Ngunit kung ikaw ay may maitim at morenang balat para sa mga kababaihan ikaw ay hindi maganda. Kaya naman hindi maitatanggi na marami ang mga pinagdadaanan ng mga taong may maitim at morenang balat.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Isa na rito ang Kapuso aktres na si Gabbi Garcia na kung saan ay ibinahagi niya ang mga pagsubok at kaniyang mga pinagdaanan dahil sa pagkakaroon ng morenang balat.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Saad ng aktres ay hindi naging ,madali para sa kaniya ang pagpasok niya sa mundo ng showbiz dahil ang mga nakakapasok at kinukuha sa kaniyang sinasalihang TV ads ay ang mga batang may mapuputing balat at mga may lahi.



Dahil dito ay nagsimula na ang pagbibigay ng payo sa kaniya na kung gusto niyang maging artista at makilala ay kailangan niya ng simulan ang pagpapaputi ng kaniyang balat. Ngunit ganun pa man ay mas lalong minahal at pinahalagahan ni Gabbi ang kaniyang morenang balat.


Image courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Wala siyang binago sa kaniyang balat upang mapabilis ang pagkuha sa kaniya sa showbiz. Dagdag pa ng aktres na mas lalo niyang naintindihan ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili at sa kulay ng balat na meron ka upang e-please ang mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *