Ibinahagi ni Gabbi Garcia ang kaniyang mga napakacute na litrato noong kaniyang kabataan

Kung hindi pa nauso ang tinatawag na kamera noong kabataan mo, natatandaan mo pa ba kung ano ang iyong itsura habang lumalaki ka?


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Kung wala ay marahil tanging ang papuri lamang ng iyong mga magulang at kamag-anak ang tumatak sa iyong isipan dahil sa sinasabihan ka nilang cute, maganda o gwapo.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Napakaswerte na ng mga kabataang ipinanganak sa henerasyon ngayon dahil sa maganda na ang takbo ng ating teknolohiya.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Pasalamatan natin ang mga magagaling at matatalinong mga taong nag-imbento ng mga kagamitang makakatulong at magbibigay sa atin ng kaginhawaan at libangan.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Isa na rito ang kamera na sa panahon ngayon ay nagbibigay talaga ng lubusang kaligayahan sa bawat tao dahil sa nakahiligan na nating magselfie at kunan ang kahit na anong anggulo ng ating sarili na magsisilbing alaala natin sa ating pagtanda dahil mababalikan natin ang mga larawang ito na pwede pa nating ipakita sa ating magiging mga anak at mga apo.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Katulad na lamang ng isang kilala at sikat na artista na si Gabriella Louise Ortega Lopez o mas kilala bilang si Gabbi Garcia.

Kung saan ay ipinakita niya sa publiko ang kaniyang napakacute na larawan noong siya ay bata pa at kapansin-pansin na ang kaniyang kagandahan at mala-artistahing mukha. Ang nasabing post ni Gabbi Garcia ay may caption na “Nene days” at “School days”.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Kaya naman ay marami ang nakapansin ng nasabing larawan at may nagbigay din ng kanilang komento ukol dito. Nakilala si Gabbi Garcia sa kaniyang ginampanang karakter sa Encantadia bilang si Sang’gre Alena.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Dahil dito ay ipinakita niya ang kaniyang angking husay at dedikasyon sa pag-arte. Kung iyong mapapansin ay kaniyang ipinagmamalaki ang kaniyang angking kagandahan at kulay ng balat na kayumanggi hindi tulad ng ibang artista na mapuputi.


Photo Courtesy: Gabbi Garcia | Instagram

Kaya naman si Gabbi Garcia ang isang patunay at huwaran na hindi lamang sa kinis at mala-porselanang kutis ang basihan ng isang kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *