Ibinahagi ni Beth Tamayo na sa edad na 43 years old ay buntis na siya sa pamamagitan ng IVF

Ikinasal na ang dating aktres na si Beth Tamayo sa kaniyang long-time boyfriend na si Adam Hutchinson at agad niya itong ibinahagi sa kaniyang Instagram account noong March 3, 2021.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Kakaibang kasalan man ang nangyari dahil na rin sa malawakang protocols na ipinapatupad sa buong mundo kaugnay ng pandemya, masaya pa rin ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang pag-iisang dibdib sa Amerika.


Image source: Instagram/akhutchi

Maliban dito ay talaga namang ginulat ni Beth ang mga netizens dahil makalipas lamang ang ilang linggo matapos siyang ikasal ay magandang balita na naman ang hatid niya sa publiko.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Ibinahagi ni Beth Tamayo na kasalukyan siyang ngayon sa kauna-unahang anak nila ni Adam at hindi nito mapigilang maiyak sa tuwa dahil sa wakas ay nagbunga rin ang hirap na pinagdaanan nilang mag-asawa.


Image source: Instagram/bethtamayo21


Image source: Instagram/bethtamayo21

Ayon sa kaniyang mahabang Instagram post ay sumailalim sila sa isang proseso na tinatawag na “in vitro fertilization” o mas kilala sa tawag na IVF. Ito ang pinaka-popular na paraan upang matulungan ang mga mag-asawa na nahihirapang magkaroon ng anak.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Sa edad kasi ni Beth na 43 ay mahirap na itong manganak kaya naman kahit na magastos at maraming proseso ang kailangang pagdaanan ay nagdesisyon silang dalawa na piliin ang IVF.


Image source: Instagram/bethtamayo21


“About time to tell the world that WE ARE PREGNANT! It wasn’t an easy road getting here but boy it was worth it! IVF is never an easy path but so thankful for my “team”! Starting with our doctor – Dr. Aimee or better known as the @eggwhisperer for the hands on guidance and just being there for us every step of the way and advocation what is best for us, ALWAYS! She and her staff are the best!


Image source: Instagram/bethtamayo21

Madalas siyang bumisita sa clinic upang masuri ang kaniyang kundisyon at halos araw-araw rin siyang tumatanggap ng mga injections upang masiguro na malakas ang kaniyang katawan at handa sa mga proseso na kailangan niyang harapin.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Mahirap man at nakakapagod ay naging magaan ang lahat kay Beth dahil sa lahat ng ito ay kasama niya ang asawa at lagi siyang inihahatid sa kaniyang mga appointments.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Pinasalamatan rin ni Beth ang mababait na taong nakasama niya sa kaniyang motherhood journey kabilang na ang mga doktor at nurse na nag-asikaso sa kaniya. Masaya siya sa kaniyang napilang team dahil malaking tulong sila para mapalakas ang kaniyang loob at hindi mawalan ng pag-asa.


Image source: Instagram/bethtamayo21

Samantala, nagbigay rin ng payo ang dating aktres sa kapwa niya babae na nahihirapang magbuntis. Pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag mawalan ng pag-asawa at laging isipin na hindi sila nag-iisa sa laban na ito. Sa ngayon ay pinaghahandaan na nina Beth at Adam ang pagdating ng kanilang anghel sa September 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *