Ibinahagi ni Anthony “Tunying” Taberna ang naging karanasan mula sa isang empleyado na tumangay ng malaking halaga sa kanilang negosyo

Sa kabila ng pagiging abala sa kaniyang trabaho bilang news anchor at host ay hands-on pa din si Anthony Taberna sa kanilang negosyo na binigyan niya ng pangalang “Ka-Tunyings Cafe”.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Isa itong restaurant na madalas puntahan ng mga celebrities at mayroon ding coffee shop at masasarap na tinapay. Kasama ang kaniyang asawa na si Rossel ay napalago nila ito at sa katunayan ay nagbukas sila ng kanilang ika-walong branch na matatagpuan sa ground floor ng North Towers ng SM North EDSA noong taong 2019.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Dahil nga sa tagumpay ng negosyo ay marami ring natulungan at nabigyan ng trabaho ang mag-asawa at ang ilan pa nga sa kanila ay pinagkatiwalaan nila ng lubos.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naloko sila ng kanilang empleyado at bago matapos ang taong 2020 ay napag-alaman nilang ninakawan na pala sila nito. Malaking halaga ang nawala sa kanilang kumpanya at malaki ang naging epekto nito sa naging takbo ng negosyo.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Ang malungkot na balitang ito ay isiniwalat ng mag-asawa sa isang episode ng Magandang Buhay noong nakaraang taon at hindi na nga napigilan ni Anthony Taberna na maging emosyunal habang inilalahad ang kwento.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Ayon sa kaniya, hindi nila akalain na kung gaano katiyaga nilang iniipon ang bawat sentimo na kinikita mula sa kumpanya ay ganoon lamang din ito kadali na makukuha ng iba. Nakadagdag pa ang insidenteng ito sa bigat na pinagdadaanan ng pamilya dahil nasubok rin ang kanilang pananampalataya nang magkaroon ng karamdaman ang kaniyang anak.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Sa ngayon ay nasa proseso si Anthony ng pagdedemanda sa taong may sala at tinitingnan rin nila ang posibleng pananagutan ng bangko dahil hindi birong halaga ang nawala sa kanila. Umabot na rin sa punto na kinausap ni Anthony ang ilang managers ng kanilang restaurant na kung hindi agad maayos ang gusot na ito ay maaring magsara ang kanilang kumpanya.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Ganoon pa man, positibo pa rin ang pananaw ng asawa niyang si Rossel at sinabing hinding-hindi sila pababayaan ng Panginoon at anumang pagsubok na kanilang pinagdadaanan ay tiyak nilang mapagtatagumpayan.


Photo courtesy: Anthony Taberna | Instagram

Patuloy ngang nagiging malakas ang pamilya ni Anthony Taberna at talaga namang hinangaan ng taong-bayan ang kanilang pananampalataya at pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *