Hindi na bago sa mag-asawa ang magbakasyon pagkatapos ng kanilang kasal. Siguro ito ay dahilan na dapat nilang libangin muna ang kanilang mga sarili bago nila harapin ang kanilang mga magiging responsibilidad sa isa’t isa.
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Tulad nalang nga ng mag-asawang si Luis Manzano at Jessy Mendiola. Ibinahagi nga ng aktor na si Luis ang kanilang matatamis na sandali ng kaniyang asawa na si Jessy. Ito ay nang magbakasyon sila sa isang Beach.
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Nagbahagi si Luis Manzano ng isang litrato habang hinahalikan ang asawa sa labi. Kalakip naman ito ng maikling mensahe na nagsasabing “Gloomy or sunny”.
Image courtesy: Luis Manzano | Instagram
Hindi naman ito nakaligtas sa mata ng mga netizens at agad inulan ng mga positibong reaksyon at komento ang nasabing post. “Tamis” sabi pa ng karamihan sa sweetness ng mag-asawa.
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Nakaraang buwan lang ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanila ika-5 taon pagsasama. “Maligayang ika-5 taon mahal ko!!! June 25 taong 2016 noong una mo akong sinagot, look where we are now! Mahal kita, asawa!” Mensahe ni Jessy para kay Luis.
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Si Luis Manzano at Jessy Mendiola ay nag-isang dibdib sa “The Farm” na nasa San Benito Batangas noong nakaraang ika-21 ng Pebrero taong kasalukuyan. Ito ay isang civil wedding na isinagawa ng Mayor ng Lipa City na si Eric Africa.
Image courtesy: Luis Manzano | Instagram
Si Luis Manzano ay anak ng batikang aktor na si Edu Manzano at Vilma Santos. Kilala rin si Luis sa showbiz sa galing nito sa pag-arte at paghohost.
Image courtesy: Jessy Mendiola | Instagram
Nakilala naman si Jessy Mendiola dahil sa Star Magic. Kasama niya rito sina Megan Young, Alfonso Martinez at madami pang iba. Hanggang sa nagkaroon siya ng maraming proyekto. Noong 2016 hinirang siya bilang numero unong may pinakamagandang pangangatawan sa buong bansa.