Mainit na mainit ang usapan ngayon patungkol sa mga rebelasyon ng aktres na si Carla Abellana sa kaniyang ex husband na si Tom Rodriguez.
Ayon sa nasabing report, hindi napigilan ng aktres na mag comment back sa mga netizens na bumabatikos sakaniya dahil umano sa paglike nito sa posts patungkol sa “cheating relationship”.
Kaya naman hindi na nakapagpigil si Carla at nagbigay ito ng kaniyang pahayag at saloobin sa mga isyu tungkol sa kaniya.
“Hindi ko na po yun inulit. Nag like po ako pero hindi ko po ginawa ng paulit ulit at ng matagal. Ang taong lubos na nasaktan, hirap po piglan hindi ilabas ang galit sa anumang paraan.”
“I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look stup!d…”
“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong ibinigay kay Tom kung hindi tunay na pagmamahal, respeto , pag aalaga, pag aaruga, pag unawa, pagtitiis, sangkatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtitiwala, pag aasikaso, pagprotekta, lahat lahat na.”
Inihayag ni Carla na minahal at nirespeto niya ang aktor sa lahat ng hirap at problema na kanilang pinagdaanan sa kanilang 7 years relationship.
“Binigay ko po buong buhay ko sakanya. 7 na taon po akong bawal magalit, magtampo, masaktan, mabigo, malungkot, madismaya dahil hindi po pwede.”
“Makakatikim po ako kahit subukan ko pong ipaliwanag sa kanya na nasasaktan niya ako at hindi po tama ang ginagawa niya. Paulit ulit ko pong pinapaalala sa kanya na hindi po ako kalaban at mabuti po ang kalooban at intensyon ko. “
Ang pahayag ng aktres ay galing mismo sa kaniyang komento sa kaniyang youtube vlog.
“7 na taon pong naipon sa loob ko lahat yun. Gustuhin at kailangan ko man pong ilabas, lubos na nakakatakot po. Ilang beses ko po siyang hinikayat na magpatingin, magpagamot at magpagaling dahil yun din po ang gumana sa akin. Pero wala parin po.”
Dahil sa lahat ng nangyari sa kanilang relasyon ay sinubukan na raw minsang magpagamot ni Carla at hikayatin si Tom upang maresolba ang kaniyang problema subalit hindi daw ito pumayag.
“Sa dami po ng binigay ko kay Tom wala na pong natira sakin. Galit, pride at ego ko siya narin po ang kumuha sakin at hinayaan ko naman pong kunin din po niya. Pinaglaban ko po siya ng lagpas sa 7 na taon”.
Saad pa ng aktres, wala lang raw yung pag like niya kumpara sa lahat ng ipinaramdam ni Tom sakaniya.
Tinapos ng aktres ang kaniyang komento sa pagsabi na hindi raw siya masamang tao dahil pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na isang mabuting tao. Isa pang importanteng mensahe ng aktres ay ang anumang nakikita ng kaniyang mga tagasubaybay online ay wala pa daw sa kalahati ng katotohanan na kaniyang alam.