“I really love them so much” Heart Evangelista, sobrang loving na stepmom sa kambal na anak ni Chiz Escudero

Akala lamang natin ay puro glitz at glamour ang aktres na si Heart Evangelista subalit hindi alam ng karamihan ang kaniyang hirap na pinagdaanan sa kaniyang pribadong buhay lalo na sa kaniyang relasyon sa asawang si Chiz Escudero.


Image source: Instagram/iamhearte

Bukod sa napakahirap ng sitwasyo nila noon ni Chiz sapagkat naging tutol ang mga magulang ni Heart sa kanilang relasyon, naranasan din ng aktres ang hirap sa pagiging isang step mother sa kambal na anak ni Chiz Escudero sa kaniyang unang asawa.


Image source: Instagram/iamhearte

Sa kaniyang Youtube vlog ay aminado ang aktres na noon ay nahihirapan siyang mag-adjust dahil marami siyang gustong gawin kasama ang asawa mula ng sila ay ikasal subalit hindi niya ito pwedeng gawin sapagkat kasama nila sa kanilang bahay ang dalawang anak ni Chiz.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Nagkaroon ng malaking adjustment mula ng sila ay magsama sama sa isang bahay dahil madalas na nilang kasama ang mga bata na kung saan mas kinailangan ni Heart na matutong magparaya. Noon ay aminado ito na madalas mainggit si Heart sapagkat kinakailangan ng atensyon ng mga bata mula sa kanilang Ama.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

“We would be walking sa mall and siyempre twins, yung isang kamay hawak yung isa, yung isa hawak yung isa, so ako tagabitbit ng paperbags sa likod… But then when you love other people, like even if you didn’t give them the gift of life, it feels so good because you don’t really necessarily want anything in return. You just want to love them. You just want to guide them. And now I really love them as my own.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

May mga pagkakataon nga na siya ang taga-dala ng mga paper bags sa tuwing mamimili sila sa Mall dahil hawak ni Chiz ang dalawang bata sa magkabilaang kamay nito.


Image source: Instagram/iamhearte

Maliban dito ay madalas rin na wala sa kanilang bahay si Chiz dahil sa tawag ng kaniyang tungkulin bilang Governor ng Sorsogon. Kaya naman may mga pagkakataon na napapaisip si Heart ng sobra at tinatanong ang sarili kung ito ba talaga ang gusto niyang buhay. Minsan nga ay umiiyak ang dating aktres dahil sa pagkabalisa ngunit sa ngayon ay natutunan niya ng tanggapin ang kagandahan ng pamilya na meron siya.


Image source: Instagram/iamhearte

Kapansin-pansin naman sa social media kung gaano kalambing ang aktres sa kambal at maging mga netizens ay tuwang-tuwa na makita kung papaano niya inaalagan ang mga bata. Nakikisabay rin ito sa mga hilig ng kambal at talaga namang naglalaan ng panahon para maipakita kung gaano niya kamahal ang mga ito.


Image source: Instagram/iamhearte


Image source: Instagram/iamhearte


Image source: Instagram/iamhearte

“I really love them so so much. And we are fully aware that Chiz is a little older than all of us, so in the end, kami naman talaga yung magsasama sama. And I treasure them so much and i’m very blessed that we have two angels here at home.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Sa katunayan, minsan ay naglalaro siya ng video games kasama sina Chelsi at Quino at madalas din siyang naghahanda ng activities para sa mga bata lalo na noong lockdown sapagkat siya muna ang panandaliang tumayo bilang isang magulang sapagkat nasa Sorsogon si Chiz noon.


Image source: Instagram/iamhearte

Apat na taon lang noon ang kambal nang ikasal si Heart kay Chiz at sa paglipas ng panahon ay natutunan ng aktres kung papaano sila mahalin at ituring na parang tunay na anak. Mas naging maigting ang pagmamahal na ito nang maranasan mismo ni Heart na magbuntis sa anak nila Chiz kahit na hindi ito pinalad na maisilang.


Image source: Instagram/iamhearte

Ayon pa sa aktres, batid niyang sila-sila rin ang magkakasama sa kanilang pagtanda kaya naman ngayon pa lang ay pinagtitibay na niya ang kanilang relasyon sa isa’t isa.


Image source: Instagram/iamhearte

Inamin rin ng aktres na hindi niya kailan man mapapalitan ang posisyon ng Ina nina Chesi at Quino ngunit ang tangi niyang maipapangako sa mga ito ay ang walang katapusang pagmamahal niya sa kanila bilang si “Tita Heart”.


Image source: Youtube/Love Marie Escudero


Image source: Youtube/Love Marie Escudero

Talaga namang super cool step-mom itong si Heart Evangelista at sa edad na 36-taong gulang ay batang-bata pa rin ito kung tingnan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *