Marahil ay marami ang napapaisip ngayon kung bakit hindi nawawala sa mga ibinabalita ang konsepto nang hiwalayan ng mga sikat na celebrities at personalities. Ang masaklap pa ay kabilang rito ang mga taong ipinag-isa at ibinuklod ng tao sa harap ng Diyos.
Kaya naman, bilang isang masugid na tagahanga ng mga sikat at kilalang mga tao ay hindi mo mapigilang makapagbigay ng mga komento. Ngunit ano man ang maging kanilang dahilan sa paghihiwalayan ay mas magandang i-respeto nalang natin ito. Sapagkat hindi natin alam kung ano ang kanilang mga pinagdadaanan sa kani-kanilang buhay pag-ibig.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Katulad na lamang ng kilala at sikat na loveteam ng kanilang henerasyon na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa gitna ng tagumpay sa kanilang karera at magandang relasyon bilang magkasintahan ay hindi naging dahilan upang hindi nila maranasan ang isa sa pinakamahirap na parte sa isang relasyon.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Mahigit pitong taon ng magkarelasyon ang dalawa, malapit sa isa’t isa, pinapantasya ng nakararami ang kanilang pagsasama ngunit isiniwalat nila na naranasan din nila ang isang mahirap na tagpo at pangyayari sa kanilang relasyon na tatlong taon na ang nakararaan.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Ito ay minsan nilang nagpag-usapan at inamin sa isa’t isa ng mag-guesting si Enrique sa podcast ni Liza na kung saan ay tinanong ng aktor ang kaniyang girlfriend kung may pagkakataon ba na naisip nito na napakalayo na niya sa kanilang relasyon na kung saan ay hindi niya maisip na kumawala dito.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Buong tapang namang sinagot at inamin ng aktres ang totoong nararamdaman nito, ayon sa kaniya sa apat na taon nilang magkarelasyon doon niya lang naramdaman na parang hindi na matatag ang pagsasama nila ni Enrique. Nilinaw naman ng aktres, na hindi ibig sabihin ay hindi niya na mahal ang aktor o ano pa man.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Dagdag pa ni Liza na dahil ito ay marahil sa palagi nilang pag-aaway sa maraming bagay. Minsan ding natanong ni Liza ang sarili kung handa ba siya sa klase ng stress mayroon ang kanilang relasyon at kung handa ba siyang pagdaan ito.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Sa katunayan katulad na lamang noong nagpunta sila sa Los Angeles, nahuli raw ni Liza na mayroong ka-text message si Enrique ng sweet messages. Natakot daw ito at baka nangngaliwa na ang aktor sakaniya kaya naman tinanong niya ang kaniyang kapatid.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
“I said, Andie, I think Quen’s cheating on me. I dont’ know what to do. How am I gonna break up with him? I don’t wanna break up with him. I don’t wanna lose you, I was even telling her that,” kwento ni Liza.
Subalit ang totoong nangyari pala ay ang mystery textmate ni Enrique ay ang seven year old sister ni Liza na miss na miss na ang kaniyang ate kaya kinakamusta niya ito sa kaniyang Kuya Enrique. Hindi napigilan ni Liza na matawa sa kaniyang sarili dahil nagdalawang isip ito sa kanilang relasyon.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
May mga panahon din daw na nagiging immature na silang pareho noong nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon, subalit na-overcome naman nila ito sapagkat laging andiyan si Enrique sa lahat ng mga pinagdadaanan ni Liza. Very supportive daw ang aktor sakaniya at always present ito sa tuwing mayroong problema ang aktres.
Image courtesy: Instagram/lizasoberano
Marami man silang napagdaanan na hirap ay sobrang nagpapasalamat si Liza kay Enrique dahil palaging nandiyan ito sa tabi niya lalong lalo na kapag kailangan niya ng suporta.