Blooming na blooming ang dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez sa kaniyang ginagampanang role sa bagong palabas nitong “The House Arrest of Us” kasama ang kinakikiligang love-team na KathNiel.
Image source: Instagram/iloveruffag
Ilang dekada na rin siya sa industriya ng show business ngunit tila ba wala pa ring kupas ang ganda nito at sa katunayan ay marami pa rin ang nagkakagusto kay Ruffa. Noon ngang taong 2015 ay naging makulay ang kaniyang buhay pag-ibig nang maging boyfriend niya ang French-Israeli na si Jordan Mouyal.
Image source: Instagram/iloveruffag
Maganda ang naging takbo ng kanilang relasyon at talaga namang maraming natutunan ang aktres sa kaniyang kasintahan na naninirahan sa Paris. Hindi rin ito nagiging hadlang sa paglago ng kaniyang karera at todo-suporta pa nga sa kaniyang pagiging artista kaya naman marami ang umasa na mauuwi sa kasalan ang dalawa.
Image source: Instagram/iloveruffag
Ngunit noong nakaraang taon buwan ng Nobyembre ay nilinaw ni Ruffa sa publiko na tinapos na niya ang halos anim na taong relasyon kay Jordan at ngayon ay masaya siya sa buhay bilang isang single-mom.
Image source: Instagram/iloveruffag
Matatandaang nagkaroon siya ng dalawang anak noon na sina Venice at Lorin sa kaniyang dating asawa na si Yilmaz Bektas isang Turkish businessman.
Image source: Instagram/iloveruffag
Samantala, sa isang panayam ay nabanggit ni Ruffa na iba ang nararamdaman niyang kaligayahan ngayong taon at para nga daw siyang nabunutan ng tinik dahil mas lalo niyang minahal ang kaniyang sarili.
Image source: Instagram/iloveruffag
Ngunit nilinaw nito na wala siyang pinagsisihan sa kaniyang mga naging ka-relasyon at nagpapasalamat pa nga sa mga ito sa pagbibigay sa kaniya ng mga bagong karanasan at kaligayahan sa buhay.
Image source: Instagram/iloveruffag
Kaugnay nito bukas pa rin naman sa pagkakaroon ng bagong lovelife ang ang dating beauty queen ngunit hindi pa ito ang prioridad niya sa ngayon.
Image source: Instagram/iloveruffag
Ayaw niya munang pumasok sa isang relasyon lalo na kung hindi siya siguradong kasalan ang kahihinatnan nito. Kaya naman, ang plano niya ay sulitin muna ang buhay bilang single at pagbutihin ang sarili upang maging handa siya sa pagdating ng kaniyang “forever love”.