Marami sa atin ang napamamangha at napahahanga sa mga artistang nakikita at napapanood natin sa telebisyon dahil sa kanilang gandang walang kupas na talaga namang kaya pa nilang makipagsabayan sa mga kabataan sa kabila ng kanilang edad.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Isa na rito ang kilala at hinahangaang aktres na si Jean Garcia na sa kaniyang taglay na ganda at hubog ng katawan ay hindi mo aakalaing siya ay 51 taong gulang na. Sa kabila ng kaniyang kagandahang taglay ay nanatiling single ang aktres.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Matatandaang ang huling naging karelasyon ng aktres ay isang businessman at taong 2014 nang tapusin nilang dalawa ang kanilang relasyon. Ayon sa aktres ay hindi niya muna iniintindi o binibigyang pansin ang kaniyang lovelife, dahil mas nakatuon ang kaniyang atensiyon at oras sa kaniyang mga anak at mas higit sa lahat sa kaniyang apo.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Saad naman ng aktres ay may mga nagyayaya sa kaniya na makipag-date at lumabas yun nga lang dahil ang ilan sa kanila ay mas bata sa kaniya kaya mas minabuti at ginusto niya na hindi na e-entertain ang mga ito.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Ang nasabing apo ni Jean Garcia ay anak ni Jennica Garcia na dati ring aktres na mas piniling iwan ang mundo ng showbiz nang magkaroon ng pamilya at namuhay nang simple at masaya kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Jean Garcia ang isa sa pinakaespesyal na araw ng kaniyang buhay at ito ay ang kaniyang ika-51 kaarawan. Labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa mga taong nakaalala ng kaniyang kaarawan.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Makikita sa Instagram account ng aktres ang kaniyang ibinahaging litrato kung saan ay kasama niya ang kaniyang mga anak na may kalakip na kapsyon na, sobrang nagpapasalamat siya sa mga tao at mga mahal niya sa buhay na nandyan para sa kaniya upang palaging ipaalala sa kaniya ang mga magagandang nangyari sa kaniyang buhay at ganun na din sa mga taong bumati sa kaniya.
Image courtesy: Jean Garcia | Instagram
Si Jessica Anne Rodriguez Maitim o mas kilala ng lahat bilang si Jean Garcia ay ipinanganak noong Agosto 22, 1969 sa Angeles, Pampanga.