Pagdating sa usaping elegant, fashion at classy, ang unang pangalan na pumapasok sa ating isipan ay walang iba kung hindi si Heart Evangelista. Sa tuwing nakikita kasi natin ang mga post at vlogs ng aktres sa kanyang mga social media account ay napapanganga tayo dahil sa kakaibang dating niya.
Image courtesy: Instagram/iamhearte
Nakakamanghang pagmasdan ang bawat ibinabahagi niya sa atin pagdating sa kanyang buhay. Dahil mararamdaman mo ang pagka elegante, classy, fashionista at engrandeng buhay ang mayroon si Heart Evangelista.
Image courtesy: Instagram/iamhearte
Kung ating iisipin ang aktres ay tila isang manika na kung saan kahit ano pa man ang iyong ipasuot at ipagamit sa kanya na kagamitan ay bumabagay at nakakamanghang pagmasdan. Kahit mapasimple lamang ito na damit ay napapagmukha niyang mamahalin at elegante.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Maliban sa mga kagamitan na kanyang ibinabahagi ay nabigyan din ang mga netizens ng pagkakataon na masilayan ang bagong renovated na condominium unit niya na matatagpuan sa Ortigas. Isa itong 43 square meters with one bedroom unit.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Mapapanood ang tour na ito sa kanyang youtube account na kung saan ililibot ka niya sa bawat sulok ng kanyang lavish style na condo unit.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Pagpasok pa lamang sa condo unit ni Heart ay mararamdaman mo agad ang pagkaelegante at classy nito. Ito ay marahil sa magandang interior design ng kaniyang condo.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Kitang kita ang paglitaw ng bawat disenyo na ginawa sa condo ng aktres dahil sa white minimalist wall paint hanggang sa ceiling ng condo. Samahan pa nito nang magandang paglagay ng lightings na mas lalong nagpalitaw ng classy effect ng mga paintings nito.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Kapansin pansin din ang simple ngunit malakas na dating na mga furnitures na bagay na bagay sa kabuuang disenyo ng condo.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Makikita din na mas malaki ang opisina ng aktres kaysa sa kanyang bedroom, ito ay dahil sa trabaho na mayroon ang aktres. Importante daw kasi sakaniya ang magkaroon ng office space para sa kaniyang trabaho.
Image courtesy: Youtube/Love Marie Escudero
Saad sa vlog, upang makamit ang ganitong klaseng disenyo ay dapat makipag coordinate at magbigay ng ideya ang client sa interior designer nito. Upang maisaayos at mabigyan ng reyalidad ang pinapangarap na maging mukha o disenyo ng inyong bahay o condo