Hayden Kho, sinurpresa si Vicki Belo sa isang napakamahal na hotel na aabot sa 1 milyon pesos kada gabi

Napaka bongga at espesyal ng surpresang inihanda ni Hayden Kho para sa kaniyang asawa na si Dra. Vicki Belo noong nakaraang kaarawan ng mga puso dahil bukod sa regalo ay dinala niya ito sa isang mamahaling hotel na halos nakakalumo ang presyo!


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Sa kaniyang ginawang Youtube vlog ay nabanggit ni Hayden na gumising siya ng maaga upang siguraduhin na naaayon ang lahat sa kaniyang supresa kung saan inihanda niya ang lahat para kay Vicki mula sa kaniyang susuotin hanggang sa kanilang handa sa araw na iyon.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Kagigising lamang ni Vicki nang bigla siyang ayain ni Hayden upang magtungo sa napasosyal na Okada Manila Hotel upang doon mag celebrate ng kaarawan ng mga puso kasama ang kanilang anak na si Scarlet Snow. Mula sa entrada ng hotel ay napaka sosyal na itsura nito na para bang sila ay nasa isang palasyo.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata ni Dra.Vicki habang bumaba sa sasakyan at kahit ilang beses na siyang nakapunta ay iba pa rin ang kaniyang naramdaman lalo na at espesyal ang araw na ito para sa kanilang mag-asawa.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Matapos mag-negatibo sa ginawang test ay dumiretso sila sa kanilang hotel villa na mayroong lawak na halos 1.4 ektarya. Ayon kay Vicki, mas malaki pa ito sa kanilang tinitirhang bahay na mayroon lamang sukat na 1.3 ektarya kaya naman ganoon na lamang ito kamahal.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Halos maligaw-ligaw nga ang dalawa sa kanilang pag-iikot sa villa na nagkakahalaga ng umaabot sa 1-milyong piso ang renta kada isang gabi!


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Samantala, maliban sa mga bulaklak ay sinurpresa din ni Hayden ng massage ang asawa at matapos makapag-relax at magpaganda ay inabot ni Hayden ang kaniyang napakamahal na regalo kay Vicki na isang classic watch. Ayon kay Hayden, walong piraso lamang sa buong mundo ang may ganitong klaseng relo at ang kaniyang ibinigay kay Vicki ay ang pang walong piece kung saan hand painted pa mismo kaya naman sobrang mamahalin talaga nito.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Hindi pa dito nagtatapos ang inihandang pakulo ni Hayden dahil siya rin mismo ang nagluto ng mga pagkain na pagsasaluhan nila sa hapunan.


Image source: Youtube/Dr.Vicki Belo

Sobrang sarap siguro ng buhay ng mag-asawa sapagkat nararanasan nilang makapag overnight stay sa isang mamahaling resort na pawang mga big personalities at yayamanin lamang ang makaka-afford. Lahat naman ng ito ay deserve ni Vicki Belo sapagkat mula sa mababa ay kinayod niya ang lahat upang makilala at maging number 1 celebrity doctor sa Pinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *