Hardworking Tatay, may kakaibang paraan sa pagbenta ng hotdog sandwich gamit ang kaniyang backpack

Natural sa bawat magulang lalong-lalo na sa mga kalalakihan ang kagustuhang kumita ng pera upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Hindi nila alintana ang pagod at hirap na kanilang nararanasan at sa halip na sumuko ay patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

Sa katunayan, kahit ang ilan sa kanila ay mayroong kapansanan o di kaya naman ay iniindang karamdaman ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pagtatrabaho kagaya na lamang ng isang Tatay na ito na nag-viral sa social media.

Ayon sa Facebook post ng concerned netizen na si Niel Bote, inatake noon sa puso si Mang Bobby ngunit nang gumaling ay nagdesisyon siya na muling maghanap-buhay kaysa manatili sa bahay.


Image source: Facebook/Neil Bote

Halos araw-araw siyang umikot sa mga kalye ng Makati City upang magtinda ng hotdog sandwich gamit ang kakaiba nitong hotdog stand. Lubos na namangha si Niel nang makasalubong niya si Mang Bobby kaya naman huminto ito pansamantala at kinausap ang matanda. Dito niya nalaman ang karamdaman nito at ang ilang kadahilanan kung bakit siya patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng mahinang pangangatawan.


Image source: Facebook/Neil Bote

Napag-alaman din ni Niel na ang mobile hotdog stand ay disenyo at proyekto ng isang foreign NGO o kilala rin sa tawag na National Commission on Indigineous Peoples. Layunin nitong matulungan ang mga kagaya ni Mang Bobby at mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanap-buhay.


Image source: Facebook/Neil Bote

Dahil nga sa nakitang hirap ng matanda ay nagpasya si Niel na ibahagi ang kaniyang kwento sa social media at hinikayat ang kapwa netizens na tangkilikin ang mga paninda ni Mang Bobby sakali mang makasalubong nila ito sa daan. Kasabay nito ay ang pagpapakita niya ng magandang halimbawa at inspirasyon sa lahat na hindi hadlang ang edad o di kaya naman ay kapansanan upang makahanap ng ikabubuhay.


Image source: Facebook/Neil Bote

Samantala, maraming netizens ang natuwa sa kakaibang gimik ni Mang Bobby ngunit ang ilan naman sa mga ito ay nabahala dahil mukhang mabigat ang dala-dala niyang hotdog stand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *