Muling uminit ang haka-haka patungkol sa relasyon nina Gerald Anderson at Julia Barretto mula ng umamin mismo ang aktor sa isang episode heart to heart talk ni Boy Abunda kung saan guest doon ang aktor na si Gerald.
Image source: Youtube/The Boy Abunda Talk Channel
Nang tanungin ni Tito Boy si Gerald kung si Julia Barretto nga ba ang dahilan ng kaniyang happiness sa kasalukuyan ay agad namang sinagot ito ng aktor ng oo.
Image source: Youtube/The Boy Abunda Talk Channel
“Very happy. Very happy, Tito Boy. It’s a yes.” sagot ni Gerald.
Bago pa man aminin ito ni Gerald ay napansin na ng mga netizens na tila ba madalas na magkasama si Gerald at Julia simula noong lockdown dahil na rin sa kanilang mga larawan na nagtutugma sa kanilang mga pinupuntahang lokasyon. Subalit nanatiling tahimik ang dalawa patungkol dito at patuloy lamang ang kanilang pribadong buhay.
Image source: Instagram/juliabarretto
Matapos ang ilang buwan mula ng lumabas ang kontrobersiyang nina Gerald, Bea at Julia ay buong tapang na ibinahagi mismo ng aktres na si Julia Barretto ang kumpirmadong larawan ng kanilang relasyon kung saan yakap-yakap nito si Gerald sabay sa pagbati ng kaniyang kaarawan.
Image source: Instagram/juliabarretto
“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU”, caption ni Julia sa kaniyang Instagram post.
Dahil sa larawan na ito ay umani ito ng napakaraming reaksyon sa mga netizens kung saan ang ilan ay galit na galit at idinidiin na nag-cheat ang dalawa noong kasalukuyang mainit pa ang issue patungkol sa hiwalayan nina Bea at Gerald.
Image source: Instagram/andersongeraldjr
Nag-umpisa ang kontrobersiyang ito mula ng malaman ng mga netizens na tuluyan ng tinapos nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang kanilang relasyon noong taong 2019. Dahil nagkasama sa proyekto ng ‘Between Maybes’ sina Gerald at Julia ay doon na rin nagsimula ang usapan na sila ay nagkamabutihan sa taping ng kanilang palabas hanggang sa tuluyan ng uminit ang usapan ng aminin ni Bea Alonzo na bigla na lamang siyang hindi kinausap ng kaniyang noon na boyfriend na si Gerald.
Image source: Instagram/juliabarretto
Image source: Instagram/juliabarretto
Kumpirmado na naghiwalay na rin ng tuluyan ang dalawa ng walang closure at conversation dahil na rin si Gerald mismo ang umiwas sa kanilang relasyon.
Image source: Instagram/juliabarretto
Nang tanungin si Gerald ni Boy Abunda kung nagkaroon nga ba ng formal breakup ang dalawa ay inamin ng aktor na umalis na lamang siya sa kanilang toxic relationship ni Bea Alonzo.