Good Samaritan na Tricycle Driver, isinauli ang pera at tseke na nagkakahalaga ng 20 million pesos

Isa na namang tricycle driver ang nagpakita ng katapatan at pagiging isang good samaritan matapos nitong isauli sa may-ari ang bag na naglalaman ng pera at tseke na nagkakahalaga ng umaabot sa 20-milyon pesos!


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Nakilala ang honest driver bilang si Sofio Alo Jr. at dahil dito ay nakatanggap siya ng iba’t ibang pagkilala at parangal lalong lalo na sa may-ari ng bag na ito.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Ayon sa pag-uulat ni Sofio ay nakita niya ang naiwang bag sa likuran ng kaniyang sasakyan habang nagkakarga ng semento na binili ng bago niyang pasahero. Agad niya itong dinala sa bahay para masuri kung ano ang laman nito at nakita ang napakaraming tseke na nagkakahalaga ng halos 20 million pesos at cash naman na nagkakahalaga ng 1,070 pesos.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Sa kabila nito ay hindi sumagi sa isipan ni Sofio na sarilinin ang pera at sa halip ay humingi ng payo kung papaano niya maibabalik ang bag sa may-ari. Kinausap niya ang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa na may kilalang local official at agad nagtungo sa City Hall para humingi ng tulong.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Naibalik nga ni Sofio sa may-ari ang malaking halaga at dahil dito ay kinilala ang kaniyang katapatan at pinarangalan siya ng Apokon Elementary School sa ilalim ng We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH) program nito. Lubos ring natuwa sa kaniya ang may-ari ng bag at binigyan siya ng 1,000 pesos at leche flan bilang pabuya.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Ayon kay Geraldine Canlas ng Apokon Elementary School, papunta sana sa bangko malapit sa Pioneer Avenue, Tagum City ang pasahero ni Sofio para magdeposit ng pera ngunit sa dami ng kaniyang dala ay naiwanan ang bag sa likod ng tricycle.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Sa kabila nito, hindi naman kinumpirma ni Canlas kung empleyado ba ng kanilang paaralan ang nakaiwan ng pera at tseke.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Samantala, ayon kay Sofio, nais niyang maging huwaran sa kaniyang mga anak kaya sinisikap niyang maging tapat sa lahat ng oras. Gusto niyang maipakita sa mga ito na sa kabila ng hirap na kanilang pinagdadaanan ay mahalaga pa rin ang pagiging tapat sa kapwa at pagkakaroon ng integridad.


Image source: Facebook/Geraldine Canlas

Tunay ngang mas mainam na ipakita ang katapatan sa lahat ng oras kaysa pagiging gahaman na wala namang ibang hahantungan kundi kapahamakan lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *