Sunod-sunod ang surpresa na nangyari sa buhay ng aktres at singer na si Glaiza de Castro matapos niyang magkaroon ng kasintahan na isang banyaga. Mahigit dalawang taon din ang kaniyang relasyon sa kaniyang boyfriend na si David Rainey at sa mga panahong ito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na lubusang makilala ang isa’t isa pati na rin ang kani-kanilang pamilya.
Image source: Instagram/glaizaredux
Image source: Instagram/glaizaredux
Ayon sa aktres ay nararamdaman niya na seryoso sa kaniya si David at walang sawa ito sa paggawa ng mga bagay para patunayan ang kaniyang wagas na pag-ibig.
Image source: Instagram/glaizaredux
“Noong time na nag-aalinlangan ako kung talagang siya ba talaga ‘yung taong para sa akin, laging may pinapakita si Lord na pagkakataon para sabihin sa akin na ito ‘yung ibinigay ko sa ‘yo.”, kwento ni Glaiza.
Image source: Instagram/glaizaredux
Blessing talaga ang kanilang pagsasama at nito lamang nakaraang Christmas Eve, isang biyaya na naman ang natanggap ng aktres nang mag-propose si David habang sila ay nasa Ireland para salubungin ang Pasko at Bagong Taon kasama ang pamilya nito.
Image source: Instagram/glaizaredux
“Who would’ve thought I’d say yes in freezing cold weather…it just felt right.”, caption ni Glaiza sa kaniyang Instagram post kung saan makikita ang kumikinang na singsing sa kaniyang daliri.
Image source: Instagram/glaizaredux
Wala ng mas nakakakilig pa sa engagement proposal ni David sa aktres dahil sobrang perfect ng lugar na kanilang pinuntahan kung saan nakaharap sila sa napakagandang tanawin. Para sa aktres, ito na ang perfect proposal na kaniyang inaantay sa kaniyang buong buhay.
Image source: Instagram/glaizaredux
Image source: Instagram/glaizaredux
Hindi nga maiwasan ng mga netizens na kiligin sa love story nina Glaiza at David lalo na ngayon na ginanap din sa Ireland ang prenup photoshoot ng dalawa sa tulong ng malapit nilang kaibigan at kilalang photographer na si Paul Doherty.
Image source: Instagram/glaizaredux
“May mga nagtatanong kung gumawa ba kami dito ng engagement video or ng prenup. So nakagawa kami since puwede naman kaming lumabas within five kilometers from their house. And apparently may kaibigan siya or may kakilala siya na photographer na naka-collaborate namin. Madami kaming nagawa.”, dagdag pa ng aktres.
Image source: Instagram/glaizaredux
Sa social media posts ng dalawa ay kitang-kita kung gaano sila kasaya sa ginawa nilang prenup photoshoot at maliban dito ay mayroon din silang sorpresang music video gamit ang kanta na si Glaiza mismo ang lumikha.
Image source: Instagram/glaizaredux
Talaga namang kaabang-abang ang pag-iisang dibdib nina Glaiza at David ngunit sa ngayon ay wala pang balita kung kailan ito nakatakda.
Image source: Instagram/glaizaredux
Image source: Instagram/glaizaredux