Gladys Reyes at Christopher Roxas, ito ang kanilang sikreto sa matatag na 28 years na pagsasama

Dahil sa matatag na relasyon nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ay muli nanaman nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-17th wedding anniversary at ang kanilang ika-28 years na pagsasama bilang mag-partner sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang napakagandang Instagram caption ng aktres para sa kaniyang asawa.


Image source: Instagram/iamgladysreyes

“17th wedding anniversary, 28 years of togetherness with four beautiful children. These photos pretty much sum up our journey together. You are my forever and you will always be my answered prayer. Happy Anniversary bebe!! We are forever grateful to you dear God!


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Nagsimula ang pag-iibigan nina Gladys at Christopher mula ng magkasama sila sa ‘Mara Clara’ na palabas taong 1992. Nagkamabutihan at nakilala nila ang isa’t isa kaya taong 2004 ay nagpasyang magpakasal ang dalawa at magsimula ng kanilang bagong buhay.


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Ngayon ay halos magtatatlong dekada na ang nakakalipas at tunay pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ayon sa aktres, si Christopher ang kaniyang first love kaya napakaswerte raw nito dahil hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kaniyang nararamdaman mula ng makilala niya ang aktor.


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Ayon sa aktres isang magandang dahilan kung bakit hanggang ngayon matatag ang kanilang relasyon ay dahil sa tuwing dumaraan ang kanilang relasyon sa pagsubok at problema ay stick together raw sila kahit ano man ang mangyari.


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Hindi man raw sila sobra sobrang pinagpala pagdating sa pinansyal o mga materyal na bagay ay masaya na raw sila kung ano man ang naibigay ng Panginoon sa kanilang buhay. Mas pinagtutuunan na lamang nila ng pansin ang mga blessings na ibinigay sakanila ng Diyos tulad ng kanilang apat na mga anak.


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Sa katunayan, napakasimple lamang ng kanilang buhay kasama ang kanilang mga anak subalit masaya ang dalawa na magkasama sila sa bawat pagsubok na kanilang pinagdadaanan.


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes


Image source: Instagram/iamgladysreyes

Kung gaano man katapang ang aktres pagdating sa pag-arte bilang isang napakagaling na kontrabida ay siya namang ikinabuti ng kaniyang puso pagdating sa pag-aalaga sa kanilang pamilya at pagiging isang mabuting asawa kay Christopher.

Happy 17th wedding anniversary, Gladys and Christopher! May God Bless your family!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *